Supposed to be Yes

23 13 3
                                    

Anyway, ganito kasi ang plinanong setup— pagkatapos namin sulatan ng "YES!" ang sticky notes ay ididikit namin ang mga iyon sa pader. Magsisimula ang notes sa gate ng burial plot papuntang cremation hall hanggang sa mismong gravestone ni mommy.

Kung saan once na makapasok sa loob si Ace ay iyon na ang hudyat na nakapasok na rin siya sa buhay ko. Doon na nga bubungad sa kaniya ang puntod ni Mommy katabi ang malaking cartolina na pinaghirapan namin tadtarin ng salitang 'YES!'. At last, lalabas ako habang palihim na magdo-documentary sina Hye-jin at Aneesa.

"I'm sorry... Ace, I don't like you. The first time I saw you, hindi talaga kita gusto, and never kita magugustuhan. It's just so happened, it was not about love at first sight," wari'y mine-memorize ko ang confession speech habang pabalik-balik na naglalakad sa tapat ng mga kaibigan. "It's true love."

"Ang jologs naman ng dialogue mo, girl!" kontra ni Hye-jin.

"It seems that the said dialogue is more appropriate than posting these notes," hirit ni Aneesa.

"What?!" kuwestiyon ni Hye-jin na halos mangunot na lamang ang noo. Tumindig siya with her fullest bust and highest chin kasabay ang pagpamaywang. "Kung gano'n, iwa-wash out n'yo lahat ng nasimulan natin para lang maging appropriate sa fucking dialogue na 'yan? Damn you, Ace!" pagkasabi'y umakto siya para pagtatanggalin ang mga nakadikit na notes. "I wish I brought here my maids."

"Wait lang Hye-jin!" bigla kong sabat. "'Wag mo muna tanggalin. May naisip ako!" pahabol ko bago pa niya masimulan ang pagbabaklas.

"Oh really?" napaismid siya at hinubad uli ang sunglasses saka muling pinunasan ang tumatagaktak na pawis.

"Don't tell me, daraanin  mo  sa  toss  coin?"  Aneesa added.

"You've got it! Aneesa, paano mo nahulaan?" na-amaze kong reaksyon.

"As always, most of your major decisions were based on the result of toss coin."

"Well, but not today. Girls, pahingi ng 'piso'. Make sure that was made 1995," wari'y naghahalungkat ako sa loob ng hand-carry clutch bag. "Pahingi na rin ng ₱20 bill."

"All of a sudden, our noted playgirl naisipan magpaka-jologs?" hirit muli ni Hye-jin. "Kung check-up ka kaya sa Psychiatrist? Baka obsession na iyan instead of love."

"Here, I found a piso!" biglang sabat ni Aneesa nang iabot sa 'kin ang barya na nakakalat sa sahig. "I guess, enough na 'yan para ma-satisfy ka sa gagawin mong confession. Anyway, for what nga pala ang ₱20 and ang piso?"

"Twenty-plus one equals twenty-one!" basic Mathematics. "January 21 kasi ngayon. Double meaning in a memorable way."

"Eh, bakit kailangan 1995? Sa rush hour mong pagpaplano, paano kung walang 1995 na piso?" follow up questions nito.

"Pareho kasi kami pinanganak noong 1995," paliwanag ko habang sinusulatan ang ₱20 nang kung anong dedication.

Napansin kong nagkatinginan ang dalawa na para bang nagkakasundo na lamang sa tingin.

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon