Road to Happy Ending

47 15 4
                                    

Justine Ace's POV

"Install me to your heart. Promise, I'll be the best software ever."

Matapos i-post ang Facebook status na iyon ay inihanda ko na ang sarili sa pakikipagkita kay Aliz. Excited na 'kong malaman ang isasagot niya.

Sumakay ako sa motor subalit hindi pa man ako nakalalayo ay isang taxi ang mabilis na humarang sa daan. Mabuti na lamang, kaagad akong nakapagpreno. Matapos no'n ay dali-dali akong bumaba para kumprontahin ang driver ng sasakyan.

"Long time no see, Ace," pagbati ng babaeng bumungad mula sa back sit pagkabukas ng bintana. Wari'y hinubad niya ang suot na salamin saka ngumiti sa 'kin.

"B-Bela?"

Kaagad ko siyang nakilala dahil sa nunal niya sa kaliwang pisngi at sa pagkakapareho nila ng mga mata ni Aliz.

Mabilis na nanumbalik sa 'king isipan ang nakaraan kasabay nang malakas na pag-ihip ng hangin.



Alizanabelle's POV

"Zanabelle, kailangan ba ganito ka-effort ang pagsagot mo d'yan sa future boyfriend mo?!" maktol ni Hye-jin habang sinusulatan ng 'YES!' ang bawat sheet ng sticky notes na nasa tapat ng lapida ni mommy.

"Of all fancy places, bakit sa sementeryo mo pa naisip mag-confess? Puwede naman sa hotel na lang namin o kaya sa resort nina Aneesa," pagkasabi'y hinubad niya ang sunglasses para punasan ang tagaktak na paawis sa noo sa kabila ng malamig na aircon.

Anyway, we own a Family Burial Plot here at Loyola Memorial Park in Marikina City. So, from my Lola's ancestors to Mom were all laying here in peace.  My friends should be thankful 'coz the place is air-conditioned. But what do I expect from spoiled rich kids?

"Gusto ko kasi maging witness si Mommy sa gagawin kong desisyon," nasabi ko na lang.

"How can you say such a thing? Zanabelle, she's dead!" paniniwala naman ni Aneesa. "So, creepy, ah!"

They keep on nagging but in the end ay wala rin sila nagawa kung 'di ipagpatuloy ang pinapagawa ko sa kanila. Ang totoo'y si Hye-jin naman ang nakaisip na ganitong klase ng confession ang gawin.

"Correction, when I said 'Yes Notes Confession', I didn't mean sa sementeryo ka mag-confess!" pahabol pa niyang reklamo. "Just admit the fact, na-absorb mo na ang kakuriputan ng jejemon na 'yon. We're willing to reserve a free deluxe venue for both of you naman, eh!"

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon