THE WALKING SLEEPING BEAUTY

189 22 24
                                    

Chapter One

Alizanabelle's POV

"Next time na lang. Sorry, talaga," my excuses over the phone while walking on the street.

"Promise, I'll make it up to you."

Paulit-ulit akong niyayaya ng mga kaibigan ko para gumala pero paulit ulit ko rin sila tinatanggihan dahil hindi pa ako handang makita ang mga taong konektado sa amin ng ex-boyfriend ko. Daig pa kasi nila 'yong nakipag-break.

Hanggang ngayon ay nanghihinayang pa rin sila sa paghihiwalay namin at tila naunahan ko pa sila sa pagmu-move on.

Ewan ko ba!

"Hoy! Zanabelle, ibulsa mo nga 'yang cellphone mo. Maraming snatcher dito," paalala naman ni ate Elsa na kasabay ko sa paglalakad.

"Eh 'di nakawin nila! Old model na naman 'tong Samsung S6 ko, eh!" ismid ko saka binaling ang tingin sa paligid.

Magkakadikit ang mga bahay at maraming tao sa kalsada. Napansin ko rin na nakatingin sila sa 'kin. Para bang pinagmamasadan ako maigi.

"Cous', ganito ba talaga katsimosa ang mga kapitbahay ninyo?"

I don't think there's wrong with my OOTD. My outfit of the day is just a short and yellow hanging blouse pair with flat slippers. It's normal since nasa bahay lamang ako.

But then, sino ba naman kasi ang hindi mai-insecure sa aking glowing glass skin? Idagdag na rin ang short and messy cold wave hair style ko. Sabihin na natin hindi ako katangkara't katabaan pero bawing-bawi naman pagdating sa pagiging chinita ang aking angelic face.

"Zanabelle, huwag ka ngang maarte! Iba na ang buhay mo ngayon kaya matuto ka mag-adjust!" ate Elsa utter as she grabs my left wrist papunta sa masikip na eskinita.

"Sorry. Nakakapanibago lang kasi."

Kung hindi lamang binenta ng Landlord sa iba ang inupahan kong condo unit sa Makati ay hindi ako magtitiyagang tumira sa masikip, maingay at mabahong lugar na ito.

Right now, we are standing in front of their up and down wooden made apartment and I can't even imagine kung paano nasisikmura nitong pinsan ko ang mag-stay sa ganitong environment. Like duh? Tumatangap naman siya ng pension galing sa yumao niyang magulang.

Ganito ba talaga kakuripot ang mga mahihirap?

"Mamaya pala pupunta tayo sa birthday ni Madam Castillo. Magbihis ka nang maganda, ipakikilala kita sa kanila. Naku! Maraming guwapo at masarap na pagkain doon!" sabi pa niya habang binubuksan ang pinto ng bahay.

"Ano'ng connection ng masarap sa guwapo?"

Napakibit-balikat na lamang ako saka binaling ang tingin sa katabing three-storey house na may malawak na garage and garden kung saan abala ang mga naroroon habang ino-organize ang gaganaping party.

"'Di ba parang nakakahiya?"

"Sus! Ngayon ka pa nahiya eh walang-hiya ka naman dati!" kant'yaw ni Ate nang mabuksan ang pinto.

Nauna na siya pumasok samantalang naiwan lamang ako sa labas na nananatiling nakatingin sa malaking bahay.

"Kung hindi mo naitatanong, pinsan namin ang daughter-in-law ng mga Castillo," tukoy niya sa surname ng kapitbahay.

"Legit ba? Ang akala ko tsimis lang 'yon."

Ang totoo, si ate Elsa ang pinaka-close ko sa lahat ng pinsan ko sa father side. Limang taon lamang ang tanda niya sa 'kin. Sa murang edad ay siya na ang tumayong magulang sa mga kapatid magmula noong mamatay ang magulang nila.

Makalipas ang ilang segundong pagkatulala ay pumasok na rin ako sa loob ng bahay nila. Pagpasok sa pintuan ay kusina ang bumungad. Bahagya ako lumakad papunta sa mini-sala kung saan pasalampak na nakaupo si Ate. Naroon din ang mga kapatid niyang abala sa panonood ng basketball sa TV.

"Uy! Zanabelle, nand'yan na pala kayo. Kumusta ang paglilibot sa buong baranggay?" tanong ng mas bata kong pinsan, si Chris.

"As usual, center of attraction ang beauty ko!" angas ko pero wala rito ang atensyon.

Hanggang dito kasi ay tanaw na tanaw ko sa bintana ang structure ng malaking bahay sa labas.

"Maganda naman ang pagkaka-construct and I guess veteran architect ang nag-design. How come na dito nila naisip magpatayo ng mansion instead sa village or subdivision?"

"Down to earth kasi sila," sagot ni kuya Leo na mukhang na-gets ang tinutukoy ko.

Napatingin ako rito. "So, kami, hindi?"

Nagtawanan lamang sila.

"Ano ba dapat ang sagot?"

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon