"Happily Ever After"
Pamella POV
Alam niyo ba na noong bata pa ako ,pangarap ko magkaroon ng bestfriend.
Hindi lang basta friend kundi BESTFRIEND.
Pangarap ko magkaroon ng bestfriend na lalake.
Dahil I always longing for a care from a boy.Wala kasi akong Dad pero meron naman akong Mom at sapat na siyang para maging magulang ko.
Pero ewan ko ba, gusto ko talagang magkaroon ng bestfriend na lalake.Sabi kasi ni Mama pag bestfriend daw parang siya na yung lahat mo ,na parang twins kayo ,siya yung other half mo.Na hindi ka mabubuo ng wala siya.
Kasi nga tulad ni mama ,
pag wala siya hindi ko kakayanin ,pag may problema ako, sakanya ko lang nasasabi at sakanya ko lang pinag kakatiwala ang mga iyon.Tinutulungan niya ako sa lahat.
Pag masaya ako sakanya ko rin nasasabi kung anong dahilan at pag malungkot siya parang nalulungkot na rin ako at pakiramdam ko ay kelangan ko siyang icheer-up dahil yun rin ang ginagawa niya sa tuwing malungkot ako.
Siya ang nag tatanggol sakin pag may nang-aaway sakin.
Kasama ko sa lahat ng pangyayare sa buhay ko ,masaya man o malungkot.Karamay.
Taga suporta ko.
Mahal na mahal ko at mahal na mahal rin ako.
Yan daw ang bestfriend sabi ni Mama.
Pero kasi Im also longing for a father's care and love.And I assume na pag lalake ang naging bestfriend ko kahit papaano ay mararamdaman ko yun.
Hanggang sa namatay ang ka isa-isa kong bestfriend, si mama.Meron pala itong sakit at malala na.Workaholic kasi si mama pero kahit na ganoon siya ay palagi kaming may oras na nailalaan para sa isa't-isa at dahil rin sa pag ka workaholic niya ay hindi niya na napansin pa na may sakit na pala siya.
I'm so lost that time.Wala akong matakbuhan.Wala akong masabihan ng mga problema ko.
Palagi lang akong nasa tabi ng kabaong ni mama nun.Hindi ako umaalis sa tabi niya ,minsan lang pag sinasabi na ni Manag Rosa (yaya ko) na magpahinga at asikasuhin ko ang sarili ko.
Dumating ang oras ng burol niya at kahit na mahirap tanggapin ay hinatid ko na siya sa kanyang huling hantungan.
Pag katapos nun ay nag lakad-lakad muna ako habang iniisip lahat ng pangyayare sa buhay ko na kasama si mama at kahit gabi na nun ay ayoko pa ring umuwi dahil alam kong wala naman akong ibang daratnan kundi ang mga maids namin sa bahay.
Hanggang sa mapad-pad ako sa simbahan.I sat down at hindi ko alam kung bakit bigla nalang nag unahan ang mga luha ko.
Tahimik lang akong naka-upo habang tumutulo ang mga luha ko.Ewan ko ba feeling ko ay may nag sasabi na ilabas ko lang lahat ng nararamdaman ko, lahat ng sakit.
And I guess Siya na yung bago kong takbuhan,bestfriend and that was GOD.
Lahat na ata nailabas ko.Pero iyak parin ako ng iyak.
Hanggang sa napagod na rin siguro ang mga mata ko at di ko namalayan ay naka-idlip na pala ako.
Pag gising ko hindi ko na alam kung nasaang kwarto ako.Isa itong kwarto na kulay asul at pang lalake ang amoy.Sinuri ko ang kwarto ,walang sinumang tao rito maliban sakin.
Nang biglang bumukas ang pinto.Pumasok rito ang matangkad na lalake at kasunod nito ang isang babaeng 40's na rin siguro.
"Naku iha buti naman at nagising ka na."Sinabi nung babae habang papalapit sakin at hinaplos ang buhok ko.Habang ang lalake naman ay nag lapag ng pag kain sa side table ng kama.
BINABASA MO ANG
Happily Ever After
Teen FictionEveryone deserves a happy ending. You might cross trials at your way to that happy ending but always remember that if God gave you challenges, God will surely help you get through to that trial. -Tricia Mae Castro