Kathryn's POV
O___________O
...
=___________=
...
Kung ano kamo yung nakita namin? Diba nga nagya-yaya yung Fire chu chu na maglaro daw kami? Eh sila lang naman ang nakita namin na may mga hawak na Tennis Racket.
Luh? Ano naman kayang balak nila? Mag-lalaro kaya kami ng tennis? Napailing na lang ako. Ay malamang, alangan namang magswimming kami sa sahig? Pambabara ko rin sa sarili ko.
"Ang tagal niyo naman. Masyadong mga pa-importante." iritang bati ni Barbie samin ng makita kami. Napataas naman ang mga kilay naming girls.
"Kayo na nga ang nagyayaya. Nagrereklamo pa kayo? Baka gusto niyong di namin kayo pagbigyan?" ani ni Kiray sabay crossarms.
"Ano namang gagawin natin diyan?" tanong ni JC.
"Maglalaro tayo ng tennis." sagot naman ni Zharm.
"SERYOSO?!" hindi makapaniwalang tanong ni Kats.
"Yep! Pero may twist. *evil smile*" dugtong pa ni Bea.
"Twist?" Diego.
"Tutal nasa campus naman tayo at LARO lang naman to. Pwede naman na siguro nating gamitin ang mga powers natin? As part na rin ng training niyo. Pft." panimula ni Barbie.
" Okay~ Pano bang laro yan. At may pa-twist twist pang nalalaman? Magbe-bending tayo?" tanong ni Lester.
Binatukan naman siya ni Kats. Hahaha!
"Oy! Ba't ka nambabatok!?" ani nito.
"Wala lang~ Gusto ko lang i-try kung anong feeling ni Seth pag binabatukan niya ako. Ang lupet pala. Hohoho! Paulit nga." Aakmang babatukan uli ni Kats si Lester nang mag-salita ito.
"Pag tinuloy mo yan, ipapatapon talaga kita sa outer space." banta ni Les sa kanya.
"Weeeeh? Kaya mo? May space ship ka ba papunta run?" excited pang tanong ni Kats.
"Ay pu--! =_____= Pigilan niyo ako. Mahahampas ko talaga tong si Kats." sabi ni Lester with matching hawak kay DJ na kunware nagpapapigil. Hahaha!
"SAMA! /(^3^)/ " Kats.
"Tsk! Tapos na ba kayo? Pwede na ba natin simulan tong laro?" singit ni Bianca.
"Hindi pa nga namin alam kung papaano gagawin, mag-iistart na? ATAT ka gh0rl?" ani naman ng barkada nagpairap sa kanya. Bwahaha!
"Psh. Ang paglaro nento ay parang tennis lang talaga, pero gagamitin natin yung powers natin para mas mapalakas yung impact." maikling ani ni Kris.
( A / N : Ang meaning po nun ay kunware, kapangyarihan ko ay kuryente kapag titirahin ko yung bola pwede kong gamitin yung powers ko para mas lakas ang tira at para mas mabilis na rin.)
"Ahh~ K." Barkada.
"First Round! Kami ni Kath." declare ni Barbie. Tumango naman ako at pumwesto na.
"Sigurado ka talaga Kath? Kaya mo na yan?" tanong ni DJ. Yung totoo? Kung kelan ako pumwesto saka magba-back out? Haha! Keri ko naman eh. Baka isipin pa ng babaeng to na natatakot ako sa kanya. Psh. Like never?
Tumango na lang ako at nag-smile na sinundan naman niya ng nod. Okay, simulan na ang laro.
Para fair, nag-toss coin kami. At sa kanya muna yung bola. Hoo! Go Kathryn! Keri mo toh! Pangch-cheer ko sa sarili ko.
Nung titira na si Barbie bigla namang umapoy yung raketa niya at nag evil smile pa siya sa akin. Pft! Trip niyang gawin yun kanina pa. Kinaganda mo yang smirk mo girl?
BINABASA MO ANG
Magical Academy [ KathNiel ]
HumorMagical Academy - Isang eskwelahang puno ng Mahika. Dito, hindi lang basta mga written exams ang dapat niyong isipin. Dahil ang Magical Academy ay isang hindi ordinaryong eskwelahan na mayroon ding hindi ordinaryong mga estudyante. Kaya, sabay-saba...