Weeks passed, naging kami narin si Ghyn. Since mahal nya ko at mahal ko siya, sinagot ko na siya. Mukha din naman siyang sincere eh.
Alam naman natin na walang relasyon na hindi dadaan sa pagsubok o problema at heto! Kailangan naming harapin ang isang pagsubok na magpapatunay kung hanggang saan kami dadalhin ng pagmamahalan namin.
"Kailangan mo ba talagang umalis? Hindi ba pwedeng dito ka nalang" Ramdam kong nahihirapan din sya sa sitwasyon namin ngayon.
"Alam mo namang hindi pwede Ghyn diba? Hindi naman pwedeng dito lang ako, Kelangan kong mag aral. Mas maganda kasi ang turo sa Maynila." Sabi ko.
"Paano ako max? Paano tayo? Kung aalis ka, kung iiwan mo ko? Hindi mo ba ako mahal?"
"Ghyn, hindi naman porket aalis ako eh hindi na kita mahal. Kailangan ko to, Alam mo naman kung gaano ako sa committed sa pag aaral at sa mga pangarap ko diba? Aalis lang ako, pero Ghyn I do promise babalik ako at sana sa pagbalik ko ganito parin tayo ha?" Hawak ko na ang mga kamay nya ngayon.
"Alam kong hindi magiging madali ang long distance relationship. Pero kakayanin natin Ghyn. Kung talagang mahal natin ang isa't isa, kahit ilang milya pa ang layo nating dalawa, We can get through it." Sabi ko.
Wala na akong narinig na salita sa kanya. Niyakap nya nalang ako at ramdam ko sa mga yakap nayun na nahihirapan sya. Pero doble ang balik ng hirap at sakit sakin, Ayokong malayo sa kanya dahil natatakot ako sa mga pwedeng mangyari pero kailangan kong gawin to. Para sa mga pangarap ko, Para sa pangarap naming dalawa.
BINABASA MO ANG
She's Heartless
Novela JuvenilThere's a story behind me. There are reasons why Im the way I am now. Something in the past created me and I think, I will never be fixed. Im mature enough to forgive but heartless to love again.