Chapter 2

3.3K 132 18
                                    

Gaya ng sabi ko, don't expect too much ha? I'm full of thoughts pero kulang ako sa moments. Hehe! Anyway, salamat sa comments sa first chapter. Ang lame ba? Haha sorry! :) Salamat din sa mga walang sawang naghintay. Nung nabasa ko messages niyo, grabe, dama ko, totoo talagang naghintay kayo. Ganyan din ba kayo sa pag-ibig? At least na-warm up na kayo diba? Ayos yan! Haha joke lang. Salamat sa inyo!

***

Chapter 2


ACE--

"Iya!!! I'm sorry!"

"Hay nako. Reception dumating? Ganyan na ba talaga tayo?"

"Sorry talaga! Nag-leave ako pero may emergency kasi bigla. Sorry!"

"Sige na. Sige na. Para namang may magagawa pa ako. Saka ayaw kong pumangit dahil sa inis ko sayo 'no!"

"Grabe naman 'to. Thank you! Babawi talaga ako sayo. Sa binyag ng magiging anak mo! Hahaha."

"Tse! Baliw ka talaga. Parehas talaga kayong dalawa!"

"Huh? Nino?" Napakunot ako sa sinabi ni Iya at napalinga sa paligid.

"Wala siya dito! Sus. Hanap-hanap ka pa dyan. Umalis na kanina pa! Workaholic din parang ikaw!"

"Sino bang tinutukoy mo?"

"Naku Ace wag nga ako! Di na tayo bata 'no wag ka nang magmaang-maangan dyan." Nagkibit balikat nalang ako at nagpaalam na muna si Iya na aalis dahil i-eentertain pa niya ang ibang guests. Parang ewan lang ako. Nakarating ako sa reception na. Parang hindi malapit sa akin yung kinasal, eh. Naglandas yung mata ko sa paligid at nakita ko si Rae saka si Kuya Justin na sumasayaw. Going strong pa rin, eh?

Ang ganda nilang tignan. Ang sarap panoorin ng tunay na pag-ibig. Mapapangiti ka nalang. Kahit hindi sayo 'yung love story, natutuwa ka. Para ka na ring nalalasing sa pag-ibig. Tangna, eto na naman ako. Tinotopak na naman ako sa ideya ng pag-ibig. Para na naman akong tanga. Paiba-iba ang takbo ng isip. Minsan, gustong-gusto ko yung ideya. Minsan naman, suklam na suklam ako.

Tumungo nalang ako sa may bar dito at uminom. Bigla akong naumay sa iniisip ko. Hanggang sa napatanong na naman ako sa sarili ko kung bakit ba nagpapakasal ang dalawang tao? Paano sila nakakasiguro na sila na nga talaga ang para sa isa't-isa? Oo, in love sila ngayon. Pero paano next week? Next month? Next year? Paano kung hindi na? Paano sila makakaalis e nakatali na sila? Maghihiwalay? Edi sana di nalang sila nagpatali kung di rin nila paninindigan! E paano kung pinanindigan nga kaso di na talaga mahal? Unfair din naman 'yun, diba?

E bakit ba ang dami kong iniisip? Di naman ako yung kinasal ah. Ay, ewan. Ganito yata kapag matanda na e. Big deal lahat. Kailangan, may reasons muna lahat kung 'bakit' bago gawin ang isang bagay. 

Nakakaloka! Ganito nalang lagi ako kahit nung nasa ibang bansa pa ako. Dami kong tanong. Buti nga di ako nabaliw, eh. Kaya siguro ang dami kong pinagkaabalahan nun doon. Umattend ako ng kung anu-anong painting workshop after ko grumaduate at mag-take ng board exam. Trip ko lang magpaka-artist. Hehe. Kaya siguro napigilan din yung pagkabaliw ko.

Nagpatuloy ako sa pag-inom tapos narinig kong may mic feedback. Pagsilip ko sa stage, nakita ko ang bandang 'Elesi'. Ewan ko kung bakit ganyan ang pangalan nila. Kilala ko rin sila personally kasi madalas ako sa music bar na tinutugtugan nila. Close ko rin yung vocalist nila, si Nate. Na-meet ko siya way back in college sa bar din. Vocalist na pala siya noon pa 'di bale matagal na talaga itong banda nila. Rock music ang genre nila pero hindi naman hardcore. Nagtataka lang ako kung bakit sila ang ininvite nila Iya na tumugtog sa wedding nila. Friends yata sila ni Vince? Rakista na sila? Nahawa? Pwede. Kasi ako nahawa rin e. Nagkasama rin kasi kami nito ni Nate sa Australia nung saglit siyang nag-aral ng Sound Engineering dun at dahil puro rock music ang tugtugan niya, nahawa na rin ako. Nagustuhan ko na rin.

Miss the J.E.R.K.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon