[ 4 ] What?

49 6 2
                                    

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Nang makita ko na ng harap-harapan ang pangyayari sa tapat ng female restroom, naramdaman ko kaagad ang pag-guho ng mundo ko. Nuong una, ayoko pang maniwala. Pero base sa mukha ng talent manager na namumula dahil sa sobrang galit, kinailangan kong harapin ang katotohanan na may ginawang kalokohan si baklita. Kasama ang dalawang interviewers na sinundan nya kanina, silang tatlo ay nakayuko lang habang pinapagalitan.

Gusto ko sanang umatras at magkunwari na lang na hindi ko sya kilala. But as a professional, I have to take responsibility of what I have done. Kahit na ang ibig sabihin ay mawala na sa akin ang career na ilang taon kong pinaghirapan.

Magsasalita na sana ako, pero napatigil nang biglang tumahimik ang paligid. Narealize kong nakatingin pala sa akin yung manager. Pero nangyari ang hindi ko inaasahan.

"Miss Kate? What are you doing here? You should be in the dressing room!" Sabay lapit para ayusin ang buhok ko o kung ano. Ang ineexpect ko, magagalit sya sa akin, kaya bakit parang ang bait pa rin nya?

Sa sobrang pagtataka, tumingin ako kay baklita at nakita kong sumulyap siya sa akin. Pero mabilis din syang umiwas ng tingin at nagpatuloy sa pagyuko. Sa mata pa lang nya, na-gets ko na ang nangyayari.

Hindi pa nya sinasabi na nandito sya dahil sa akin.

"Miss Kate, if you became very impatient that you had to come here and see the mess yourself, in behalf of these imbeciles, I apologize for the inconveniece."

The manager was sincerely apologetic towards me pero para sa tatlo, kulang na lang magdugo na sila sa sobrang sama ng tingin nya. Pinilit kong ngumiti na lang, pero natabunan ng kaba ko ang abilidad kong makipagplastikan. Lalong lalo na nung nagpatuloy na sya sa pagsermon.

"I mean, seriously? I can't believe that Dernier Magazine sent these two unprofessional interviewers to our agency. This is an insult to our credibility! And if that's not already stressful enough, sinabayan pa itong gulong 'to ng isang... isang poorly bred animal na hindi alam ang tamang lugar kung saan tumahol! Bakit ang daming mumula-mulala ngayong araw na 'to? This day is so despicable! Nakaka-stress!"

"Actually, sir..."

I took a deep breath. Kahit nasa kalagitnaan sya ng init ng ulo, I had to make a choice. Eto na. There's no turning back. Bahala na si Batman.

"... he's with me."

Napatitig lang sa akin ang manager, habang si baklita naman ay nanlaki ang mata. Kahit na gusto kong kainin na lang ako ng lupa, pinilit kong magmukhang confident. Baka sakaling mabawasan ang madilim na kapalarang malapit nang sumampal sa akin.

"I brought him here as my assistant, and it's his first day so he's still unfamiliar with the industry. Though, I take responsibility for this mess and I sincerely apologize for his actions. I promise to keep a closer eye on him, but if you desire for me to fire him, I would not hesitate to do so."

Pakiramdam ko unti-unti akong pinapatay sa bawat segundong lumipas na tahimik. Hindi ko rin alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng manager kahit na nakatitig lang sya sa akin. Pagkatapos ay sa wakas, nagsalita na rin sya. At tumawa na parang pinipilit alisin ang init ng ulo nya.

"Oh, of course not, Miss Kate! Kahit na medyo na-stress ako sa pangyayaring ito, he's your employee--not ours--so it's your decision to fire him or not. Though, I won't apologize for what I said about him earlier, because it's partly true."

Tumingin sya kay baklita, at halata pa rin ang gigil at inis sa mga mata nya.

"You're lucky that you work for Miss Kate. She's the star model of this agency and the best model we have so far, so in respect to her, I'll let you off the hook this time. But next time, make sure you don't go off the leash." After one last look, he motioned for the two interviewers to come near him. Nakayuko pa rin sila na parang napaka-among tupa. Napansin ko rin na umiiwas sila ng tingin sa akin.

"Well, I'll go ahead and talk to these two's company regarding their professionalism. So unfortunately, your interview have to be cancelled for the meantime. Even so, I hope to see you soon, Miss Kate."

Nakipag-beso sya bago umalis, at pagkatapos noon, ang naiwan na lang sa harap ng female restroom ay ako at si baklita. There was a moment of silence as I tried my hardest to keep calm. Pero hindi ko na talaga kayang pigilin.

"WHAT THE HELL WERE YOU THINKING?!!!"

Sigaw ko, pero parang expected nya na yun dahil hindi man lang nya inalis ang tingin sa sahig. Kaya binuhos ko na lahat ng saloobin ko.

"Hindi ba ang sabi ko, 'wag kang gagawa ng bagay na ikapapahamak ko? Hindi ba napaka-simpleng bagay lang 'yun para hindi mo pa maintindihan? Are you really that ignorant?!! Nang dahil sayo, nasira na ang clean record ko sa agency na ito. And that might cost me everything I've worked hard for YEARS!!!"

I had to stop and take a deep breath nang maramdaman kong tuluyan na akong sasabog. No, this person doesn't deserve to see me in that state. For all I know, hindi rin naman papasok sa kokote nya ang sasabihin ko. Wala nang kwenta. So I gathered my composure and tried to continue speaking in a calm tone.

"And you know what, congratulations on successfully terminating your contract. I don't see any reason why we should still continue this agreement."

"Pinagtanggol kita..." Bulong nya, na sa sobrang hina ay muntik ko nang di marinig.

"What?"

"Narinig kong balak nilang pagmukhain kang maldita at walang modo sa magiging interview nila sayo, kaya sinundan ko sila. Gusto ko lang naman na ipagtanggol ka..." imbes na tumingin sya sa akin habang sumasagot, lalo lang syang umiwas na parang alam nyang wala na ring silbi ang sinasabi nya. I thought of it as an excuse, kaya lalo lang akong nainis.

"Sanay na akong sinisiraan ng lahat ng tao. Sa ilang taon ko nang nandito, tanggap ko nang ang lahat ng tao gagawin ang lahat para hatakin ako pababa. At isa pa, totoo namang maldita ako at walang modo. No matter what crap they say about me, I don't give a damn. Kaya ko ang sarili ko, kaya hindi ko kailangan ng taong magtatanggol sa akin. Hindi ko kailangan ang tulong mo."

May bahid ng gulat ang tingin nya sa akin, pero pagkatapos lang ng ilang segundo, mabilis din syang umiwas ng tingin at yumuko.

"Pasensya na kung nanggulo lang ako dito... Pasensya na talaga..."

At dali-dali syang naglakad paalis. Sa totoo lang, gusto ko syang pigilan sa pag walk-out nya. Hindi ba dapat ako ang mag walk-out, kasi ako ang galit? Kaso nga lang, pigilan ko man sya, hindi ko din alam kung anong sasabihin ko. Akala ko kasi makikipagsagutan lang sua sa akin, tulad ng lagi nyang ginagawa.

Kaya sa dulo, hindi ako nakagalaw. At hinayaan ko na lang syang tuluyang umalis.

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

[A/N]: Yung kaibigan mo na handang sumabak sa giyera, maipagtanggol ka lang. 💔

[ WANTED: BFF ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon