Isang umaga.
Tulad ng araw araw na nangyayari, nag alarm ang cellphone ni Mario kasabay ng pag tilaok ng mga manok, dahan dahan naman siyang babangon habang ang kanyang may bahay na si Belinda ay agad agad na bumangon at tumungo sa kusina para ipaghanda na ng almusal ang asawa at ang dalawang anak na ilang sandali na lang ay papasok na ng trabaho at eskwelahan.
Habang si Belinda naman ay abalang abala na sa kusina ay papasok sa banyo si Mario at doon ay magsisimulang maligo. Malayo pa ang pinapasukang opisina nito, halos dalawang oras ang biyahe kung kaya naman ay kailangan na niyang kumilos. Paglabas niya ay nasa mesa na ang dalawa niyang anak, sina Jan Jan na pitong taong gulang na siyang bunso at panganay na si Chin Chin na nasa first year high school na. Nakahain na agad si Belinda na parang si Darna lang kung kumilos, sa sandaling panahon na naliligo si Mario sa banyo ay nakasaing na si Belinda at nakaprito na din ng ilang itlog at hotdog.
Pagkatapos niyang magalmusal ay magmamadali itong si Mario sa pagalis dahil kung hindi pa siya lalarga ay male late na naman siya. Bago siya umalis ay hinagkan niya sa pisngi ang asawa at ang dalawang anak na bagal na bagal pa din sa pagkain. "Dalian niyo na mga anak at baka ma late pa kayo." pagpapaalala pa ni Mario habang paalis ng gate.
Buti na lamang at pagdating niya sa tricycle station ay naabutan niya ang isang van na siyang didiretso sa Makati. Nagbayad muna siya ng Php 70 para sa kanyang pamasahe at saka siya umupo sa may pinakalikod ng sasakyan dahil ito na lang ang natitirang pwesto.
Isang accountant si Mario sa pinapasukang opisina, treinta siete na ito, bagamat magandang lalake ito ay dahil sa edad ay nagmumukha na din itong manong dahil sa balbas at ilang kulubot sa mukha nito. Naka blue siya na long sleeves at naka slocks sa pambaba. Halos labing limang taon na din sila nagsasama ni Belinda, at tulad niya ay lumipas na din ang dati nitong alinbog, mula kasi nang nanganak ito ay hindi na bumalik ang dati nitong figure. At dahil nasa bahay na lang, kung kaya naman ay medyo nalo losyang na din ito.
Nakaidlip pa si Mario nang kaunti nang makarating siya sa mismo sa building na pinapasukan, pumara siya at bumaba. Nag time in at saka umupo sa kanyang upuan at binuksan ang PC. Dahil high budgeted ang may ari ng kumpanya ay meron siyang sariling opisina. Ilang oras niyang trinabaho ang ilang files na kinailangan niyang tapusin. Pero nang wala na siyang gagawin ay nag surf muna siya sa net. Tulad ng ilang nagoopisina ay meron ding bisyo itong si Mario sa computer, para naman kasi ma relax relax kahit papaano ay nagbro browse siya ng facebook kahit pa 20 friends lang ang naka add sa kanya. O di naman kaya ng mga forum sa kung anu anong mga sites. Sa di akalaing pagkakataon ay meron siyang natanggap na mail sa hindi kilalang nilalang. Ang subject pa ay "F*bu" 'Anong F*bu?' natanong pa ni Mario sa sarili habang kamot kamot ang kanyang ulo. 'Sent by Jillian'. Sino naman itong Jillian na ito? In-open niya ang email at saka ito binasa.
Pwede ba tayong maging friends? Add mo ko shy_gurlsz0112. Nabasa ko kasi yung post mo doon sa F*bu na forum, maybe you're interested.
Biglang kinabahan si Mario, sa tanda niyang iyon at kinabahan talaga siya na para bang kinilig na hindi niya maintindihan. Agad agad siyang nag sign in sa yahoo at ini add nga yung kung sinong tao ang nagpapa add sa kanya. Para siyang teenager na mixed emotions, "Parang true love na ito." aniya sa sarili kahit pa meron na siyang asawa at dalawang anak. Ganito siya kabagot sa buhay niya na kahit simpleng mensahe lamang, nagiiba na ang pakiramdam niya.
Naghintay siya ng ilang sandali, maya maya lang ay biglang may nag buzz sa kanya at ganito ang kanilang napagusapan.
Mario143: hi!
shy_gurlsz0112: asl mo po.
Mario143: ha? ano phong asl?
shy_gurlsz0112: age, sex, location?
BINABASA MO ANG
Ang Short Love Affair ni Mario (One Shot Story)
RomanceRated PG guys, istorya ng isang taong bored na sa buhay kung kaya naman ay naghanap siya ng kaunting adventure. Makakabuti kaya ito sa kanyang pagkatao o mas makakasama? Hmmm...