Ano kayang mararamdaman mo kapag dinare ka ng iyong kaibigan na aminin sa crush mo na crush mo siya? And dahil sa DARE na iyon ay may sinabi ang crush mo na hindi mo inaasahan?
»»»»
Monday morning. Wala ata kaming class ngayon. Wala kasing teacher.
And as usual, may kaniya-kaniyang mundo ang aking mga kaklase. Tss, makapag soundtrip nga."Huy Mica! Puede mo ba akong samahan sa comfort room?" tugon ni Zia.
"Zia, may gagawin pa ako" Ang totoo kasi, tamad lang talaga ako XD
"Sige na Mica! Samahan mo lang naman ako. Pretty Please!" sabi ni Zia.
"Eh may gagawin pa kasi ako. Nandiyan naman si Chloe oh! Walang ginagawa." tinuro ko si Chloe na kasalukuyang nagsa-soundtrip din tulad ko habang bumabasa ng pocket book. Close friend namin siya ni Zia.
"Oh. So, ganon ka na pala ngayon? Sige, huwag mo na akong samahan. Tutal, mas importante pa naman 'yang gagawin mo sa best friend mo. Kaya ko namang mag-isa eh. At sanay naman ako laging mag-isa. Geh, alis na ako." sabay walk-out ni Zia.
Hay naku! Madrama talaga ang babaeng iyon! Tss
"Hey! Teka Zia!" habol ko sa kaniya. Paano kasi, sa may pintuan na siya nang classroom. Kunwari'y lalabas siya ng silid nang luhaan. XD
"Kung kailan ako magtatampo, saka ka lalapit at maghihingi ng sorry. Tss." sabi niya nong naabutan ko na siya.
"Huh? Ano.. Kasi ano... Ugh! Tama na ang drama Zia. Alam mo naman hindi ako sanay sa mga ganyanan. Hehehe" pagdadahilan ko.
"Alam ko naman Mica eh! Hahahaha" ayun! Ang bruha, tumawa.. Hay naku, kung hindi ko lang best friend to, mabatukan ko na iyan.
Hey! Ako nga pala si Mica Reyes. At si Zia Deguzman naman ang best friend ko. Minsan tinatawag kong bes ang best friend ko as endearment namin. Pero minsan lang ha! Kapag trip ko XD At may crush pala ako. Si Michael Angelo Perez naman iyon. Mike is his nickname. Only best and I (malamang) know my crush. Secretive kasi ako sa mga ganyang bagay, chos.
"Uy bes! Nakikinig ka ba?" Oh my! Hindi pala ako nakikinig.
"Hindi. Ano nga pala sabi mo?" sabi ko.
"Ang sabi ko, magde-dare ako sa'yo. Para pambawi naman sa ginawa mo kanina. And besides, hindi ka humingi ng tawad. Tss" medyo nagulat ako sa sinabi ni Zia. I thought acting niya lang lahat iyon para sumama ako sakaniya. Pero, half acting lang pala (wut).
"Oh, sorry bes. Hindi ko naman alam na seryoso ka pala kanina. By the way, ano bang ginawa ko sa'yo kanina?" curious kong tanong. Sa pagkakaalam ko kasi, ay tinuro ko si Chloe then nagdrama na siya. Anong kasalanan ko dun?
"Nagsinungaling ka lang naman. Tss " Ah, yun pala.
"Hala! Sorry best! I didn't mean it naman."
"Hindi daw, sinadya naman. Tss" rinig kong sabi niya in pabulong way.
"Okay, sinadya ko pala. Eh kasi Zia, tinamad kasi ako kanina. Hehe. Sorry talaga bes, hindi ko na 'yun gagawin. Ano bang dare mo?" pag-change ko ng topic. Ayoko kasi sa dramas, diba?
"Hmm, apology accepted! Para sa pambawi mo, you should confess sa crush mo na crush mo siya! It's my dare, bestie. *evil smile*" anong sabi niya? Hala! Nababaliw na ata best friend ko!
"A-ano? Baliw ka ba Zia? Ako ipapa-amin mo sa crush ko na crush ko siya? No way!" tugon ko. By the way, nandito pala kami sa hallway, naglalakad pabalik sa classroom namin. Kakatapos lang kasi mag-cr ni Zia.
"Kapag hindi mo 'yun gagawin, you'll have a consequence." what the? Ba't parang kinakabahan ako sa consequence na ibibigay niya?
"Eh? Ano naman 'yun?" badtrip, kinakabahan ako. Huhuhu
"Magco-confess lang naman ako sa crush mo na crush mo siya! Hahaha"
"H-huh? May ibang choice pa ba diyan?" anong klaseng consequence yun huhu.
"Hmm, wala na *grin*" oh gosh!
"Sige na nga! Tutal, dare lang naman. Kailan ko ba 'yan kailangan gawin?" tanong ko.
"Hmm,," sabi niya sabay tingin sa paligid. Then, "Ngayon! Bye Mica! You know the consequence kapag hindi mo 'yun gagawin." sabi niya sabay takbo pabalik sa room.
"Tss, iniwan ba naman ako." sabi ko sabay lakad pabalik ng room. Pero unfortunately, I mean, fortunately, nakita ko si Mike! Yung crush ko. Lumalakad papunta sa direksiyon ko. Oh my gosh! Ang puso ko, it's beating so fast.
"Ah, hi Mike." I greeted with a genuine smile. Paalis na sana ako nung hinawakan niya ang wrist ko. Parang may naramdaman akong kuryente na dumaloy sa'king katawan. WEIRD.
"Ah Mica, I just wanna tell you something." And there! I just finally remembered. Yung dare ni Zia! Kailangan ko gawin. Huhu
"Uh, yeah. Ako din pala." nahihiyang tugon ko.
"Oh okay. You first." gulp!
"No, ikaw muna. Ladies Choice, di ba?"
He chuckled "Neh, Ladies First." sabi niya sabay wink! OMG! No, focus MICA!
"Oh okay. Uh, ano... Kasi... Uh... Dare lang ito Mike, huh? Don't take it seriously please?" I begged.
"Uh, sure!" okay, this is it self, you can do this. AJA
"Uh, Mike may crush ako sa'yo. Actually dati pa." sabi ko and looked away. OMG, I just confessed infront of my crush! Hindi ko alam na kaya ko pala aminin sa crush ko na crush ko siya. After a couple of seconds, hinihintay ko siyang magsalita pero wala akong narinig. Kaya, I decided na lang na umalis.
"Mike, 'yun lang sasabihin ko. And remember, dare lang ito. Don't take it seriously. Sige, bye!" paalis na sana ako nung narinig ko siyang nagsalita...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."Mica, what if I have a crush on you? Can you take it seriously?"
--- END ---
[A/N: Eto po yung first time na nag-write po ako ng story sa Wattpad. Sorry po if it's ugly. I just hope na magiging malawak pa yung imagination ko. Thanks for reading]This is my grade 7 self who wrote this. I just wanna publish it again because why not HAHAHAHAHA
BINABASA MO ANG
Dare Lang Ito
Short StoryAnong mararamdaman mo kapag dinare ka ng kaibigan mo na aminin sa crush mo na crush mo siya? At dahil sa dare na yun, may nangyaring 'di mo inaasahan?