6.) Risk.

5 0 0
                                    

Heaven's POV

Mahal ko siya. Kahit alam kong hindi niya ako kayang mahalin. Ayokong umamin dahil masisira lang ang Friendship namin.

Madalas kaming maglokohan na kunwari mahal niya ko tapos mahal ko siya. Hanggang isang araw sa kanya na lang yung "Kunwari"

Pinapakiramdaman ko kung mahal din ba niya ako. Pero mukhang nagkamali ang pakiramdam ko. Duwag ako. Hindi ko kayang umamin dahil alam kong walang patutunguhan.

Hanggang isang araw hindi ko na kaya ang nararamdaman ko. Umamin ako sa kanya. I Risk everything. And guess what ?

HINDI NIYA AKO MAHAL.

Hanggang friends lang daw ang kaya niya. Sobrang sakit. Parang nakakawalang gana ng mabuhay. I did everything to lighten up the mood.

Sabi ko sa kanya "Mawawala din to ! Wag kang mag alala walang magbabago satin!" At tumawa ako.

Yung feeling na I'm smiling but inside I'm dying. Sobrang sakit eh. Kung sino yung mahal mo. Siya pa yung hindi ka kayang mahalin. Yung pag nahulog ka hindi ka kayang saluhin.

Kaya ayokong magmahal eh. Mahirap humanap ng taong deserving. Sana makita niya kung sinong nandyan para sa kanya. Yung hindi siya iniiwan. Yung nagpapatawa sa kanya pag malungkot siya. Yung nagpapabalik sa mood niya pag wala siya sa mood. Yung kasama niya sa mga trip at kalokohan. Yung taong gagawin ang lahat mapasaya lang siya. Yung tatadtadin siya ng text pag hindi siya nagrereply. Yung hindi siya matitiis. Yung handang masaktan para maging masaya lang siya. Yung magiging Risk taker para lang umamin na mahal ko siya.

Sana marealize niya yun bago man lang ako mawala. May sakit ako sa puso. May butas yung puso ko at alam kong anytime mawawala ako. And I finally made a decision. Hindi ako magpapa Heart Transplant. Lumalala na din kase ang puso ko. Pero ayoko.

Hanggang isang araw naramdaman ko na lang na Sobrang sakit ng puso ko. Buti na lang may draft ako na message para sa kanya kase alam kong mangyayari to. Kinuha ko agad ang phone ko at sinend yung message.

Pagkatapos non. Everything went black. Ang huling nasa isip ko ay si Atria.

Atria's POV

Nakaupo ako sa may ilalim ng puno dito sa Park. Nagiisip. Umamin sakin si Heaven na Mahal niya ako. Minsan nararamdaman ko na Mahal ko siya pero minsan hindi. Naguguluhan pa talaga ako.

Nag iisip isip ako nang biglang may nagtext sakin.

"Hi , Bestfriend! Yah. Tanggap ko na na hanggang bestfriend lang talaga tayo. Don't worry bestfriend , No hard feelings. Pag nawala ako. Alalahanin mo lang yung mga sinasabi ko sayo ah. Take Risk pag may mahal ka. Parang yung ginawa ko. Walang magbabago satin. Kahit sobrang sakit. Tsaka pag namimiss mo ako tumingin ka lang sa langit ah. Kase diba ako ang star mo at babantayan kita lagi. Sorry kung hindi na kita masasamahan sa mga gala natin. Maghanap ka ng taong sasamahan ka ah! Yung mahal ka at mahal mo. Yung hindi ka iiwan , kahit anong mangyari. Yung magtatagal sa tabi mo. Yung taong tutupad sa lahat ng pangarap mo. Sana mahanap mo siya. At alam kong hindi ako yon. I'm not saying Goodbye. Lagi naman kase kitang babantayan eh. So ang sasabihin ko See you Bestfriend. I'm just nothing to you , but your the world for me. I love you Atria

-Heaven."

Iyak ako ng iyak habang binabasa yun. The next days nalaman ko na lang na wala na siya. Wala na yung taong nandyan lagi para sakin.

Nandito ako ngayon sa puntod niya umiiyak habang kinakausap siya.

"I'm sorry heaven. Hindi ko agad narealize na mahal pala kita. Huli na ang lahat nung malaman ko. Wala ka na. Ngayon ako ang nasasaktan."

Humangin ng malakas. Tumingin ako sa nag iisang star na nakikita ko.

"I love you , Heaven"

------------------------------------------

Vomment

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One shots of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon