Hiling ng Batang Musmos

244 1 2
                                    

Simula noong bata pa ako nagsusulat na ako.
Oo,sinusulat ko ang bawat hinanakit ko sa mundo.
Kung paano ipinagkait sa akin ang kalayaan na inaasam ko.

Iisa lang naman ang hiling ko, ang namnamin ang init ng araw sa tanghali at ang lamig ng hangin sa gabi.
Pero ni isa wala akong nakamit.
Wala akong magawa kung hindi magsulat habang nagngingitngit, sa galit.

Sa galit na mismong magulang ko hindi mapagbigyan ang aking mithi na makita ang ngiti sa repleksyon mula sa tubig matapos ang ulan, ngiti.

Ngiti na lumalabas lamang pag napupuno ng matatamis na kendi ang bibig ng batang musmos, ngiti.
Ngiti na walang ibang dahilan kundi kalayaan mula sa pagkakakulong sa kwarto, ngiti.

Ngiting nawala noong malaman kong may isang sumpang nananatili sa loob ng dibdib ko, ngiti.

Ngumiti ka lang. Yan na lang ang nasasabi ko.
Paano ako makakalaya kung sarili ko ang kulungan ko. Paano?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Tula ni KikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon