Bestfriend mo lang Ako

25 1 0
                                    

Nakauwi na ako ng bahay.
" Kumusta si Nel anak ? " tanong ni mommy.
" May trangkaso po siya kaya pala hindi nakakapasok. Mom are you busy? Can we talk ? "
" Yes sure, ano yun ? Mukhang seryoso ah ! "

At naupo kami ni mommy sa sofa.

" Mom , magagalit po ba kayo ni daddy kung magkaka boyfriend ako ? "
" Yel , like what we have said before , hangga't maaari huwag muna pero sa ganda ng anak namin hindi pwedeng walang manligaw. At kung talagang di maiiwasan na magka boyfriend ka anak , isa lang ang sasabihin ko sayo , PAKAINGATAN MO ANG VIRGINITY MO KASI NAPAKAHALAGA NITO SA TAONG MAPAPANGASAWA MO AT MAKAKASAMA MO SA BUHAY. At huwag na huwag kang maglilihim sa amin ha.May tiwala naman kami ng daddy mo sayo. Bakit anak meron na ba ?" Mahabang sagot at paliwanag ni mommy.

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba kay mommy na sinagot ko na si Nel o hindi.
Pero dapat malaman niya. Kaya ipinagtapat ko lahat sa kanya kahit hiyang hiya ako.

Mabait at mahinahon ang mga parents ko kaya hindi ako napapariwara. Kaya ayoko ding maglihim.

" Yel , thank you for being honest. Aba 'y mabait na bata si Nel at hindi bastos. Dalaga na nga ang anak ko ! " at niyakap ako ni mommy ng buong higpit.

Matapos ang pag uusap namin ni mommy , nakatulog ako ng maayos. Free of worries ang mind ko.

The next day , maaga akong nagising. Nag prepare going to school.

At ng paalis na sana ako ng bahay , siya namang pagdating ni Nel.

" O bakit pumasok ka na ? Kahapon halos di ka makabangon, are you sure you are ok ? " pag aalala ko.
" I'm ok. Pinagaling kaya ako ng Oo mo , hahaha." Biro nito.
" Ikaw puro ka biro. Baka kasi mahilo ka sa school ha." Paalala ko.
" Really , I feel better. Lalo na pag kasama kita. Wala akong nararamdamang sakit." At hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami patungo sa school.

Binanggit ko kay Nel na sinabi ko na kay mommy na kami na.

" Well that's good. Mamayang hapon diretso ako sa inyo para ako mismo ang magsasabi ng malinis kong hangarin sayo. At makapag mano na kay mommy." Seryosong tugon nito.
" Mommy talaga ha..." at nagkatawanan kami.
Masayang pinagusapan sa school ang graduation namin. At inannounce na din ang nasa honor roll list at salututorian ako at Best in English at si Nel Nakakuha ng Best leadership award at Best in Science.

Kaya ng hapong iyon masayang masaya kaming umuwi. Nagtuloy muna siya sa bahay para magmano kay mommy.

Naghanda muna si mommy ng mirienda at sabay sabay kaming kumain habang nakaupo sa balkonahe. Ibinalita ko kay mommy ang good news, syempre nag uumapaw ang tuwa nito.
Nasa ganun kaming tagpo ng dumating si Gary.
Nagmano kay mommy at nakiupo na din.

" Mukhang masayang masaya kayo ah ! " bati nito habang dumampot ng sandwhich.
" Oo kasi si Yel ang Salututorian at Best in English. " sagot ni mommy.
" Wow , galing naman talaga congratulations ! " tumayo ito at akmang hahalikan ako pero pinigilan ko siya.
" Oooppss...di ka pwedeng humalik ! " pagbabawal ko.
" Bakit ? Halik ng pagbati , hindi pwede ? Taray ka na naman ha ." Tutol nito.

Iniwan na muna kami ni mommy at pinagbilinan na huwag mag -away.

" Opo , hindi na pwede kasi girlfriend na ako ni Nel at boyfriend ko na siya . " paliwanag ko na ikinabigla niya. Nakita kong namula ang mukha ni Gary at nawala ang tuwa. May kurot sa puso ko ng makita ko ang reaksiyon niya.

" Ganun ba ! Sorry ha. Tol , Congratulations, huwag mo sanang paiiyakin ang bestfriend natin , kundi ako ang makakalaban mo. Mahal ko yan kahit makulit at pilya ." At kinamayan nito si Nel.
" Salamat Gary, huwag kang mag alala , mahal na mahal ko si Yel , alam mo yan , musmos pa lang tayo malaki ng pagkagusto ko sa kanya kaya hindi ko siya sasaktan. " seryosong sagot ni Nel.
" Ano ba naman kayong dalawa, at talagang nagsumpaan pa kayo hahaha...parang kayo ang mag on ah ! Hahaha." Pagbibiro ko.

Pahiram ng Bestfriend ko !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon