Chubby Love

776 11 0
                                    

'Taba! Taba! Wahahaha!! Ang taba-taba mo! Tabachingching!! Wahahahaha.' Naalala ko pa dati, ganyan palagi ang sinasabi nila sakin tuwing binubully nila ako. Grade 4 palang ako non, wala akong magawa kundi ang umiyak sa isang sulok habang pinagtatawanan nila ako. Isang matabang babae na iyakin at hindi kayang harapin ang mga nambubully sa kanya.

'Ano ba? Pati babae pinapatulan niyo? Bakla ba kayo? Tigilan niyo na nga siya.' Ganyan yung unang sinabi niya. Isang transferee na tumulong sakin. He became my savior, my superman, my friend, my bestfriend and my FIRST LOVE, si Kye Ventura. Grade4 kami non at simula nang niligtas niya ako, gusto ko na siya na mas lalong lumalim sa pagdaan ng mga panahon. But, I don't think that he'll look at me as more than friends.. Kasi..

HEARTTHROB siya ng campus at ako'y isang hamak na MATABANG babae lamang na di marunong ipagtanggol ang sarili. Malayong malayo sa imaheng nakikita ko na nababagay kay Kye.

"Aba't! Hoy, REINLY SANTIAGO- slash- MATABANG BABAE!! KINAKAUSAP KITA KAYA MAKINIG KA!" maarteng sigaw sakin ni Priscilla Romulo, ang beauty queen ng campus na tagabully ko na sa tatlong taon ko sa highschool. Ewan ko kung bakit mainit ang dugo niya sakin. Wala akong natatandaang mali o masamang ginawa sa kanya.

"Pris, padaan ako." Kailangan ko pa kasing pumunta sa library at baka magsarado na yon, may isasauli pa akong libro. Ang kaso nga lang, naharang ako nila Priscilla at mga alipores niya. Kaya heto ako ngayon, nabubully na naman.

"Aba! Eh, paano kung ayoko? May magagawa ka ba?" nakataas ang isang kilay na tanong nito at naka cross arms. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa kaya napahigpit ang hawak ko sa folder na dala at yakap ko ngayon. "Alam mo? Ang pangit-pangit mo! Ang taba mo, para kang baboy!.. Kaya kung ako sayo, layuan mo na si Kye at nakakasira ka sa image niya bilang heartthrob ng school." napakagat labi ako at napayuko, "Alam mo kasi, hindi ka kasi kasya sa picture ng life ni Kye.. Masyado kang mataba to fit the frame.. HAHAHA! Ang bagay kasi sa kanya ay isang katulad ko." at nagsitawanan na sila ng mga alipores niya.

Alam ko. Alam ko naman na isa lang iyong panaginip para sakin na mahalin niya ako.

"Anong ginagawa niyo? Inaano niyo na naman si Rei?" napalingon kami sa may-ari ng boses, si Kye.

Naunang sumagot si Priscilla na nkalapit na pala ky Kye at nkahawak sa braso nito, "Wala naman, Kye. May tinanong lang kami ky Rei tungkol sa project." malanding sabi nito ky Kye na nakatingin sakin. "Diba, Rei?" tanong naman nito sakin with sumunod-ka-nalang-look.

"O-Oo.. Sige, may... may isasauli pa ako." at dali dali akong tumalikod. Looking at them a while ago makes me jealous. Nakakainggit, kasi bagay na bagay silang dalawa. They fit perfectly for each other, isang heartthrob at isang beauty queen. (_ _')

**

"Salamat po." sabi ko sa librarian. Buti na lang talaga at naabutan ko pang bukas ang library. I scanned the new book I just borrowed habang papalabas ng library.

"Hui!"

"Ay kalabaw!" nasapo ko ang dibdib ko sa gulat. Bigla na lang kasing may kumalabit sakin paglabas ko.

"Gwapo ko naman ata para maging kalabaw." sabi ni Kye na nagpogi sign at itinaas baba ang kilay.

Iniwas ko agad yung tingin ko kasi feel ko namumula ako ngayon. Ang pogi niy kasi eh. Ano ba yan >///////< "E-Ewan ko sayo.. Ayy, teka, ba't ka nandito? May hihiramin ka ba sa library?" tanong ko habang pinupulot ang nalaglag kong notebook.

"Wala naman.... Iniwan mo na lang kasi ako bigla kanina." sabi nito.

Wait, nagtatampo ba siya? Hinihintay niya ba ako? Ako ba yung sadya niya dito?.. OHEMGEE!! KINIKILIG AKOOO!! Assuming ko! Libre nga lang mangarap..

Chubby LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon