PROLOGUE

2 0 0
                                    

"Alam mo para sakin ang pinamagandang parte ng muka ng babae ay ang ating mga mata."inabutan siya nito ng panyo.

Nagdadalawang isip pa siya kung kukunin niya ang panyong inaalok nito.isa itong estranghera sa madaling salita hindi niya ito kilala ,hindi siya nito kilala pero heto at kinakausap siya pero kahit na ganun tinanggap niya ang panyong inaalok nito.

Kanina pa siya dito sa park.Magdadalawang oras na siyang nakaupo at umiyak Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Sobra siyang nasaktan sa ginawa ng kasintahan niya sa kanya.

Minahal niya ito ng tunay Pedro anong ginawa nito sa kanya? Niloko siya nito.

Hindi na niya alam ang gagawin.iyak lang siya ng iyak hanggang nilapitan siya ng babaeng ito at inabutan siya ng panyo.

Nakatitig siya dito ng may halong pagtataka"sino ka ba?"tanong niya dito pero ngumiti lang ito sa kanya bago ulit magsalita.

"Kaya kung ako sayo iingatan ko ang mga mata ko.Hindi ko hahayaang may tumulong luha sa mga mata ko kung walang kwenta ang iiyakan ko.walang magagawa ang iyak."

"Sino ka ba?saka ano ba yang pinagsasabi mo?Wala ka namang laman"sambit niya sa babae ,

"Hindi mahalaga kung sino ako at Mali ka madami ako alam" ngumiti ulit ito sa Kanya at umalis na.

Matagal siyang nakatulala bago niya maunawaan ang gustong iparating nito sa kanya.

Napatitig siya sa pangalang nakaburda sa panyo.

"Xenia"

NAGMAMADALI siyang maglakad patungo sa kanyang kotse.Hindi niya alin tana ang tubig na bumubuhos mula sa kalangitan.

Nangmakasakay na siya ay sumobsub siya sa manibela ng sasakyan at duon ibinuhos ang sobrang sakit ,lungkot , paghihinagpis at panghihinayang.

Pumunta siya sa tinitirhan ng kanyang kasintahan pero isang pagkakamali pala ang kanyang ginawa.totoo palang masakit ang katotohanan kapag ikaw mismo ang makarinig.

Akala niya sa pagpunta niya sa bahay nito ay mareresolba na ang kanilang problema pero nadagdagan pa pala.natukalasan niyang nakabuntis ang kanyang nobyo ng ibang babae bukod sa kanya.

Gusto niyang magsisigaw sa sobrang sakit at pagkamuhi.
Pinaghahampas niya ang manibela at dun binuhos ang lahat ng sakit na nararamadaman niya pero mas lalo lang nadagdagan ang sakit sa sobrang sakit ay gusto na niyang mabaliw.

Binuhay niya ang makina ng sasakyan.kusang gumalaw ang kanyang mga kamay.pinaandar niya ang sasakyan pero biglang may sumakay na ikinagulat niya."anong ginagawa mo dito?sinusundan mo ba ako?"tanong niya sa babaeng nagbigay kanina ng panyo sa kanya.

"Nagaalal ako sau"

"Wala akong pakielam Basta bumaba kana "

Umiling iling ito sa kanya "ayoko saka kung ako sayo pahintuin mo na itong sasakyan.wala ka sa kondisyon para magneho."pero sa halip na makinig siya sa Babae ay masbinilisan niya ang pagmamaneho.

"Wala kang Karapatan pakielamanan ako at sabihin kung anong dapat Kong gawin!!."sigaw niya sa babae naiinis na siya dito, oo ngat concern lang ito sa kanya pero sino ba ito para gawin yun?Hindi nga niya ito kilala.

"Pero dap- -"

Pinutol niya ang sasabihin ni:to"bumaba ka!!"utos niya sa babae.

Ihihinto niya sana ang sasakyan ngunit laking gulat niya ng wala silang preno

Napatingin siya sa daan ng sumigaw ang kasama niya.

"Crystal babangga tayo!!"


Mask Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon