Disclaimer: The story is totally different from the published book, okay? This is Miss the JERK. Yung published book, Meet the JERK under revised ending. Saka, pang-dito lang ito sa Wattpad. Kaya wag niyo i-compare ito sa published book hehe. Magkaiba ang flow nila. Oks? Di ko na i-eexplain kung bakit. Pero eto ang nasa draft ko as it was 5 years ago. Kung di niyo trip oks lang naman sakin haha thank you!
***
Chapter 3
9:00 AM
Kuya Justin calling...
"Wala ka raw sa office? Di ka dumaan sa coffee shop?"
"Yup. Nag-leave muna ako."
"Bakit? Parang nung nakaraan puro work ka sabay leave? Weird mo, Darylle! Sige na. Sabihan mo nalang ako mamaya kung dadaan ka sa shop."
"Okay." Then I hang up.
Tatlong oras na akong nakatanga sa kisame kasi grabeng buhay 'to, ang unfair. Nawawala ako sa wisyo simula nung party nila Iya at Vince. Sinubukan kong mag-work pero ang weird ko. Wala ako sa sarili. Kaya naisipan kong mag-leave muna at buti naman na-approve agad.
Kailangan kong alalahanin lahat ng paghahandang ginawa ko sa sarili ko bago ako bumalik dito. Hinanda ko yung sarili ko, right? Pero bakit ganito? Ganito ba talaga? Kahit anong gawin mo hindi mo mapaghahandaan yung isang bagay? Ganun ba yun?
<FLASHBACK>
"Ace! Kumusta? Kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala!" Si Kurt. Nginitian ko lang siya at napawi yun nung nakita ko kung sinong kasunuran niya. Ngumiti siya sakin kaya nginitian ko nalang din siya. Ayokong magmukhang bitter kasi ang nasa utak ko, 'okay ako'.
Nagulat ako dahil lumapit siya sakin at inabot niya yung kamay niya. Nakikipag-shake hands siya. Nakipag-shake hands nalang din ako at binawi ko nalang agad dahil hindi ako mapakali. Kung hindi ko pa babawiin yung kamay ko e baka maramdaman niyang may tensyon sa kaibituran ng pagkatao ko.
"Uy, Ace!" Si Nate ang tumawag sa akin. Hinatak niya ako bigla para pumunta kami sa bandmates niyang mga kakilala ko rin. Namiss na rin daw kasi nila ako. Grabe ganito pala talaga kapag ang tagal mong hindi nagpakita 'no? Para kang artista. Pero mabuti nalang din at ganito para hindi ako nai-stuck sa isang tao. Salamat nalang talaga at ganito.
Marami pa akong nakakwentuhan. Kasabay ng kwentuhan ay inuman kaya naman di ko na gaanong na-control. Nung naramdaman kong medyo hindi ko na kaya ay nagpaalam na ako sa kanilang lahat na uuwi. Naglalakad na ako sa parking lot nang biglang may humatak sa akin.
"Hatid na kita."
"Nathan?!" Napakunot ang noo ko nung nakita ko siya.
"Ihahatid na kita, Acey."
"Thanks but no. Kaya ko namang mag-isa."
"Marami kang nainom, diba?"
"Oo, pero kaya."
"Delikado magmaneho kapag ganyan ang kondisyon mo."
"Pero kaya."
Naglakad na ako papunta sa kotse ko nang bigla niyang sinabing, "Acey, kaya mo na ba talagang mag-isa? Hindi mo na ba talaga ako kailangan sa buhay mo? Kasi ako, kailangan kita e. Bawat oras, minuto, bawat segundo, kailangan kita. Hindi na ba talaga pwede? Wala na ba talaga? Payagan mo naman akong bumalik dyan sa buhay mo oh. Please. Payagan mo ulit akong maging parte ng buhay mo."
<END OF FLASHBACK>
Narinig ko lahat ng sinabi niya pero hindi ko siya pinansin. Hindi ko siya nilingon. Dire-diretso lang akong naglakad papasok ng kotse. Buti nalang at nakauwi pa ako nang buhay sa sobrang labo ng paningin ko dahil sa luhang hindi ko maintindihan kung bakit nandyan na naman.
Ang labo. Ang labo ng paligid. Ang labo niya. Ang labo ko.
Naka-move on na ako e. Pero bakit nung nakita ko siya ulit, bumalik lahat ng sakit? At tuwing naaalala ko yung sarili ko limang taon ang nakalipas, kung paano nila ako pinaglaruan, kung paano ako naging kawawa, kung paano pa akong muntik mamatay dahil lang sa lintik na pag-ibig na yan, napapalitan lahat ang sakit ng galit.
Naiinis ako. Nagagalit ako. Paano ka nila nagagawang harapin matapos ka nilang gaguhin? Ganito na ba talaga kasuklam-suklam ang kaluluwa nila?
Ang labo kasi e. Hindi ko maintindihan. Matapos ka niyang hindi piliin, bigla niyang hihilingin sayo payagan mo siyang bumalik ulit sa buhay mo? Nakakaloko. Sobrang nakakaloko.
BINABASA MO ANG
Miss the J.E.R.K.
Teen Fiction"A person often meets his destiny on the road he took to avoid it." - Jean de La Fontaine | Season 2 of Meet the J.E.R.K. Thank you :)