Genes for HIRE
by...emzalbinoSi Eleazar Nicolas ay isa sa mga lalaking nangangarap na matupad ang kanyang ambisyon sa buhay bilang isang engineer. Nagsusumikap upang makapagtapos ng kanyang pag aaral dahil sa salat sila sa karangyaan sa buhay kaya naging self suporting student siya.
Pumapasok siya bilang isang part time waiter sa gabi at sa umaga naman ay saka siya pumapasok sa kanyang skwela.
Lahat ng pagtitipid ay kanyang tinitiis upang makapagtapos lang siya ng kanyang pag aaral ngunit sa isang pagsubok na dumating sa kanyang buhay, nang napaalis siya sa pinapasukan niyang trabaho dahil sa napagbintangan siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa kaya nawalan siya ng trabaho at dahil doon ay napilitang tumigil muna ng pag aaral si Elly dahil wala siyang pagkukuhanan ng perang pantustos sa kanyang pag aaral.
Na asukan sila bilang isang bartender sa isang bar at doon ay may nakilala siyang baklang kaibigan na si Lovely. Naging malapit sila sa isa't isa at ng tumagal ng ilang buwan ang kanilang pagka kaibigan ay may hiniling ang bakla na pabor kay Elly.
"Anong pabor iyon Lovely?" nagtatakang tanong ni Elly.
"This favor is not for me but for my loving best friend her name is Czarinna" sagot naman ni Lovely.
"Then, what can I help for her?" muling tanong ni Elly.
"She need your help to have a baby. She wants to have a baby pero ayaw niyang mag asawa kaya ikaw ang ine rekomenda ko sa kanya dahil ayaw niya sa kung sino sino. And she will pay you kahit magkano basta lang masiguro niyang mabubuntis siya!"
"Ano!.." hindi makapaniwalang bulalas ni Elly.
"Take it or leave it? Remember Elly, one million is good enough para makapagpatuloy ka sa iyong pag aaral at makaalis kana sa lugar na ito!" nakangiting turan ni Lovely.
Halos hindi nakapag concentrate sa kanyang trabaho si Elly dahil sa sinabing iyon ni Lovely. He wants to continue his studying pero nag aalangan naman siya na baka mapasubo naman siya sa gulo kung sakaling ta tanggapin niya ang alok na iyon.
Ano nga ba ang magiging desisyon ni Eleazar? Tatanggapin ba niya ang alok ng kaibigan ni Lovely na si Czarinna kahit na hindi niya ito nakikilala o ipagwawalang bahala nalang niya?..
Abangan!...