"WHOOO GO BABE!!" sigaw ko kay Luke. May game kasi sila ngayon. Sobrang proud ako jan. Lagi kasi siya ang best. Best sa pamilya, best sa section nila, best sa basketball, best sa puso ko.
"Mika! Three points to babe!" tawag niya sa akin. pagkatingin ko sa kaniya, bigla siyang kumindat. Nangisay tuloy ako.
Natapos ang finals. Sila ang nagchampion. Si Luke din ang MVP. Sobrang proud ko sa kaniya nun.
Nakagraduate kami ng High School. Sabay kaming nag-enroll sa same university, sa course. Pareho kaming kumuha ng Electrical Engineering.
Isang pagkakataon ang dumating. Nag-announce ang coach ng basketball team ng school na magkakaroon daw ng intrams. Syempre, freshmen palang kami kaya medyo nahihiya pa si Luke. Pero pinilit ko talagang magtry out siya para sa course namin.
Natanggap siya. At sa hindi inaasahang pahkakataon, nagchampion ang college namin at siya. Si Luke ang naging MVP. Sobrang proud talaga ako sa kaniya.
Napansin siya ng coach ng basketball at pinilit siyang ipasok sa team B ng school basketball varsity namin. Ayaw niya pa nun sa umpiaa pero dahil na rin sa paminilit ko sa kaniya, ay umoo na rin siya.
"Mika, ano ba. Kapag sumali ako dito, mababawasan ang oras ko sa iyo.. Madalang na tayong magkikita."
"Hays. Luke okay lang yan. Pangarap mo yan diba? Hahayaan ko bang masira yan dahil sa akin?"
"Pero Mika, ano ba ikaw lang ang pangarap ko."
Yan nalang ang lagi naming eksena kaya naman napilit ko talaga siya.
Tama nga siya, medyo madalang na kaming nagkikita dahil lagi silang may practice. Di na rin siya masyadong umaattend ng klase dahil laging may practice.
Isang araw, hinatid niya ako sa bahay. Nasa daan kami at biglang may tumawag sa kaniya. Rinig na rinig ko ang pag-uusap nila.
"Luke nasaan ka na ba? Kanina ka pa hinahanap ni Coach timo mapapagalitan ka na naman nun."
"Ah sandali lang, pabalik na ako jan."
"Hay nako Luke. Nawarningan ka na ni Coach."
Binababa na niya ang phone niya.
"Ahh Mika, Babe, una na ako ha."
Di na niya naintay pa ang sagot ko. Umalis na siya.
Dapat na siguro akong dumistansya sa kaniya. Nasisira ang pangarap niya ng dahil akin. At masakit yun.
Kinabukasan, pilit kong nilayo ang sarili ko sa kaniya. Sinabi ko aa kaniya ang pinakamabilis na paraan. Na may mahal na akong iba.
"Ano Mika? hindi totoo yan?"
"Ano ba Luke! Totoo to Luke!"
"Dahil ba to sa kahapon Mika? Handa akong umalis sa Team para sayo Mika!! Wag mo lang akong iwan!"
"Pls Luke. Tama na. Pls."
"Kung totoo, sino? Mika! Sino?"
"Hindi mo na kailangan pang malaman Luke."
Hindi ko na siya pinasagot pa. Nag walk out ako. Di ko na kaya pa siyang makita ng ganun..
Sorry Luke. Mahal kita eh. Ayoko namang ako ang maging dahilan para di matupad ang pangarap mo... Mahirap talaga kapag pangarap na ng mahal mo ang kabayaran.
Dumaan ang araw, Luke, mula sa pagiging Team B, nailipat ka sa Team A. Nakikita na kitang naglalaro sa TV pinapanood ko rin kita ng live. Ayoko nga lang magpakita sa iyo ng harap harapan. Kasi natatakot ako na dedmahin mo lang. Na di mo pansinin. Lalo na't may iba ka ng taga cheer. Hanggang ngayon kasi ikaw parin e.
Pero tama lang siguro ang desisyon ko. Dahil sa desisyon ko at sikap mo, natupad ko ang pangarap mo. Masaya ako para sayo.
Masakit nga lang pakinggan na sa kada MVP mo, iba na ang fan na niyayakap mo.
Pero alam mo ba luke, sa mga nakalipas na taon,
ikaw parin ang MVP ko.
.......and i'm still your #1 fan.