Vern Ocampo
Stella Maghirang
“Okay, participants ng CURE CAMP sisismulan na natin ang program. Pero may nagrquest na sasayaw daw sa likod!” sabi ni Razelle ang facilitator ng program
“WHOOOOOOOOOOOOOOO!” Sigaw ng crowd, napatingin naman ako sa nagrequest ng sayaw na yun…
~Mada Fada Gentleman~
“Whooooooooooo” crowd
“Tss, mga baliw.” Bulong ko sa sarili ko. Pero agad na napukaw ng mata ko isang lalaking sumasayaw din, pero parang sya lang talaga yung nakikita ko, yung feeling na… Ako at Sya lang yung tao sa paligid.. With matching background fireworks and sabog confetti, yun yung feeling ko.
~Mada fada Gentleman~
“WHOOOOOOOOOOOO!” sigaw na naman ng mga madlang people..
Ako naman nakatingin lang ako dun sa lalaking sumasayaw..
“Okay,participants! Enough. Simulan na natin ang program” Sabi nung facilitator
Bumalik na kami sa mga groups namin at bumuo ng circle..
“Pag nakagawa na ng circle yung group nyo, gawa naman kayo ng group name and then yell. Clear? Participants?” Instructed the facilitator
Sinunod naman ng mga ka-group ko yung instructions.. Isa isa nang tinawag yung mga grupo..
“Antagal pa natin, Number 12 kasi yung nabunot ko.” Sabi sakin ni Nikki
“~We are the group 2 the mighty mighty group 2.~” Yell nung grupo sa stage…
Nakakatamad naman... Hinanap ko na lang yung lalaki kaninang sumasayaw… Pero di ko talaga sya Makita nang biglang…
“KNOCK! KNOCK!” Sabi nung nasa stage ata, pero di ko pa din talaga sya nililingon. Hinahanap ko pa din kase yung lalaking sumasayaw kanina…
“WHO’S THERE?” Sigaw nung crowd..
“JUAN DELA CRUZ” sabi nung nasa stage.. Still di ko pa din sya nakikita..
“JUAN DELA CRUZ WHO?” Crowd
“ASWANG!” HAAAAAAA?
“HAHHAHAHAHAHHAHAHAH” Crowd
Dahil sa sobrang corny nung joke, lumingon ako dun sa pampam na joker na yun at…..
“SYA YUN?!” Napatayo ako at napasigaw…