"Angel ! crush kita ......
di joke lang pala wahahhha"
hindi ko na nilingon pa kung sino ang sumigaw kasi sanay naman ako tuwing umaga gaganyan yan ee tapos aalis ako pagka sigaw niya nun, hayy by the way ako pala si Angel Marie Sy half chinese half filipina ako, yung daddy ko yung chinese at ang mommy ko naman ang pinay. at yung walangya na lalaki na sumigaw ay walang iba kundi si Christopher Gonzales ultimate crush ko since grade 7 kami hangang ngayong grade 9 nako . . classmates kami since grade 7 pero nung grade 8 na kami siya nagsimula na tuwing umaga sisigaw siya nang "Angel ! Crush kita di joke lang pala" sabay tatawa hayyssss.. na alala ko pa nga nung unang beses niya sinigaw yun saakin sa canteen kami noon dahil recess namin, kinilig na ako nung sina bi niyang crush niya ako pero nainis ako nung sinabi niyang biro lang pala, kaya tuwing sinisigaw niya yun hindi ko na siya nililingon at mag wo-walk out na agad ako .
Monday ngayon at yun na nga sinigaw niya nanaman kanina saakin dun pa lang sa hallway na crush niya daw ako tapos sasabihin niya agad na joke lang pala. tsk mga lalaki talaga nowadays hindi na nila iniisip kung ano mararamdaman naming mga babae, pero kahit ganun crush ko parin siya .
pagkapasok ko nang room namin ee biglang may tumawag sakin.
"Angel!"
nilingon ko si christopher pala naku ano kaya ang kailangan ng isang to.
"oh christopher anong kailangan mo ha?"tanong ko sa kanya sabay irap . . siyempre medyo masungit effect.
"uhhmm may sasabihin ako sayo ee"sabi niya sabay ngiti na parang nahihiya.
"ano nanaman sasabihin mo ha? siguraduhin mong hindi yan kalokohan ha"sabi ko pero in masungit way pa rin .
"angel crush kita! di jok-
"wag mo nang ituloy alam ko naman na sasabihin mo ee na joke lang tapos ano tata-
"ANGEL CRUSH KITA! DI JOKE LANG KASI
MAHAL KITA"
end .
"