Nasa harap ako ngayong computer ko, ime-message ko kase si Cylla.
Dear, Cylla Dela Paz
Minsan gusto kitang tanungin kung nage-exist ba ako sa buhay mo, pero wala akong lakas ng loob eh. Dakilang torpe kase ako.. iniisip ko nalang hindi talaga tayo ganun ka-close kaya ni-Hi o Hello eh walang lumalabas sa mga labi naten.
Kung magkakatinginan man tayo eh, saglit lamang. Eh kung minsan nahihiya ako pag nahuhuli mo akong nakatingin sa'iyo. Magkapitbahay tayo pero hindi tayo close,buti pa mama ko nakakausap ka eh ako? Ni A E I O U walang lumalabas sa labi ko. Kase nga Dakilang Torpe ako.
Siguro nga hanggang pasulyap-sulyap nalang ako sayo...
December 16 2***.
Yun na ata ang pinaka-masaya kong araw! Nung araw na kase na yan, yung una nating paguusap! Nagkakahiyaan tayo sa una pero, nung tumagal na naging komportable na tayo sa isa't-isa.
Hindi ko makakalimutan yung nag pakilala tayo sa isa't-isa.
"Hi,I'm Cylla"
"Hello, I'm Zyxx"
Simbang gabi pa nun, that was my happy simbang gabi. Nakakabakla man pero masarap namang balik-balikan.
Hanggang sa lagi na tayong nagkakatabi sa simbahan, inaamin ko ang saya-saya ko pag kasama kita. Nung araw na yun, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa' hiningi ko na yung number mo, buti nga binigay mo agad.
Sa isip-isip ko baka eto na yung pagkakataon na hinihingi ko kay god, yung pagkakataon na maging close tayo at maging friends kita. Gusto ko kase bago kita ligawan kong maliligawan kita eh, alam ko na mga habits mo, favorites, mga ayaw mo, at mga gusto mo.
Hindi ka naman ganun ka-sobrang ganda Cylla, pero para saken ikaw ang pinaka-maganda. Pagkasama kita, my heart beats so fast.
May 20, 2***.
Ang araw na ayaw ko ng balikan..
Tinext kita na magkita tayo sa park malapit sa village naten. Pumunta ka, ang saya-saya ko kase yang araw na yan dun ko na sasabihin lahat-lahat. Kampante ako na may pag-asa ako Cy kase close na tayo. Pero ang mga katagang ayaw ko ng balikan..
"Zyxx, May boyfriend na ko. 3 years na kame, zyxx sorry pero. Hindi ko masusuklian yung pagmamahal mo, mahal kita zyxx pero hanggang kaibigan lang."
Masakit pero kailangan tanggapin. nung araw na yun bago tayo umuwi sa mga bahay naten, you text me, and you said.
"Zyxx, walang magbabago ha?"
"Oo naman, walang magbabago. Kahit tong nararamdaman ko hindi magbabago."
"Zyxx naman,"
"Joke lang, i love you Cy!"
"I love you too Zyxx!"
Masaya siguro kong sinabi naten yun sa isa't-isa na tayo. Hindi bilang magkaibigan lang.
Ganun talaga. Sa buhay hindi lagi panalo ka, minsan kailangan mo din matalo para malaman mo kung saan ka nagkamali.
F O U R Y E A R S L A T E R~
4 years, 4 years na ang lumipas Cylla. Ikaw padin ang nasa puso ko. Hindi to magbabago Cy, oo para sayo kaibigan lang ako pero para saken, more than pa sa kaibigan.
I love you Cy, hindi yan magbabago. Pero sana makahanap na ako ng babaeng magmamahal talaga saken.
Nagmamahal, Zyxx Madrigal.
PS: siguro Cy, kung binabasa mo na to. Nasa america na ako. Basta lagi mong tatandaan mahal kita, i love you Cy..
I sent the message to her, ngayong araw ang alis ko papuntang america. Dun na ako for good, kaya kwenento ko lahat sa kanya yun kase gusto ko maisip niya kung gaano ko siya kamahal.
Hindi ako lumlayo, hahanapin ko lang kung sino talaga yung para saken. Hindi ko siya lalayuan dahil nasaktan niya ako, kundi dahil gusto kung mahanap yung babaeng magpaparanas saken ng pagmamahal na hindi kayang ibigay ni cylla.
Kinuha ko na ang mga bagahe ko at lumabas na ng pinto ng condo ko.
I text mom na papunta na ako ng airport, habang naglalakad ako hindi ko napansin na may makakasalubong na pala ako.
"Ayy!! Palaka ka! Ouch!"
"Sorry miss!"
Pagtingin saken ng babae, parang biglang nagwala ang puso ko. Ang ganda niya she looks like angel.
"Sorry talaga miss ha? Pasensya na."
"Ok lang, btw i'm danna. Nice to meet you i gotta go."
"Bye, btw i'm Zyxx."
Bago ako maglakad papuntang elevator eh, sumulyap ulit ako sakanya ng isa.
O N E Y E A R L A T E R
di ko padin makalimutan yung girl, sa condo.
Pakatapos ng araw na yun, cylla message me, she said na naiintindihan niya daw ako.
Wala na saken yun, di ko na siya mahal.
Naglalakad ako ngayon.
May nakita akong pamilyar. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko yung girl, si danna. She's so gorgeous.
"Danna!!" Sigaw ko.
Lumingon naman siya at kumunot ang noo, siguro inaalala niya yung mukha ko. Lumapit siya saken.
"Do iknow you?" She asked.
"It's me Zyxx!".
Nagisip siya saglit at bigla nalang akong dinamba.
"Alam mo ba ang tagal kitang hinanap?"
"Ako?" -me.
"Oo, di mo ba talaga ako matandaan? I'm danna, your classmate nung highschool tayo yung nerd na laging sunod ng sunod sayo yung dannang may gusto sayo hanggang ngayon! Naalala mo na?"
Gulat na gulat ako sa mga nalaman ko, she is danna the nerdy? Oh wow! Yung babaeng hinahabol ako dati? Eh ngayon gusto ko na din?
"You loved me?" I asked.
"Yes." She said.
"Then, can i court you Danna Moloez?!" Sigaw ko. Buti nalang onte lang yung tao.
"Yes, pwedeng pwede!"
"I love you Danna."
"I love you too Zyxx."