Paalala sa Kaibigan
by: jEllepen
Kaibigan ko
Sana'y huwag isara ang puso
Upang pag-ibig ay madama ulit
Kahit isa pang saglit
Alam kong mahal mo pa rin siya
Kahit nasaktan ka niya
Sapagkat siya ang nagturo sa puso
Na magmahal, kahit bigo.
May iba mang dumating
Huwag pilitin agad ang damdamin
Na mahulog sa iba
At pag-ibig ay muling madama
Huwag kang gumamit ng iba
Para lamang makalimutan siya
Dahil hindi lang ikaw ang masasaktan
Pati ang pusong sayo'y nagmamahal.
Kaya kung gusto mong maging masaya
Kalimutan mo na siya
Bago umibig ng iba
At hindi masaktan ang puso niya.
Alam kong mahirap
Pero dapat kang mamili
At kalimutan ang isa
Bago makasakit ng iba.
Ayaw kong magsisi ka
Kaya ako'y nagsalita
Sana'y tandaan mo
Ang desisyon ay nasa sa iyo.
~~~
Pahirap maging panakip butas.. Masakit yon kaya huwag din nating gawing panakip-butas ang isang tao para di tayo makasakit,... -__-
Oo akuh na ang madrama!
Dedicated to: My baby Rian.. Love yah baby,... Kita tayo minsan baby ahh,.. hahah,..
BINABASA MO ANG
Patama kay Puso (Poems Collection)
PoetryRandom poems na ginagawa kuh pagtrip ko lang dati at baka madadagan ngayon,... It's more about love, kasi super madrama talaga ako when it comes to love,.. hahah,.. Hope you'll read it and enjoy!! ~~Making random dedications here,.. hehheh,.. ^_^