TIMOG aSYa

16.7K 29 28
                                    

Ang Timog Asya ay isang malaking tangway na tila hugis tatsulok. Sa hilaga ng rehiyonng ito matatagpuan ang mga kabundukan ng Hindu Kusk at Himalayas. Ang katimugang bahagi ng rehiyong ito ay pinalilibutan ng tubig: ang Arabian Sea sa kanluran ang Indian Ocean sa katimugan, at Bay of Bengal sa silangan. Ang nabanggit na anyong tubig ay patuloy na nagsisilbing ruta ng transportasyon magpahanggang ngayon.

Sa Timog Asya makikita ang mga nagtataasang kabundukan sa buong mundo. Pinatanyag ditto ang Himalayas. Ito ay may habang umaabot sa 1,500 milya (2,414 km), ang mga tuktok nito ay nababalutan ng yelo. Ang mga natutunaw na yelong ito ay siyang pinagmumulan ng tubig ng mga ilog na dumadaloy sa Timog Asya. Tinatayang 50 sa mga matataas na bundok, ang mga ito ay may taas na aabot sa limang milya (8km). 

Ang Mount Everest ay pinakamataas na bundok sa buong mundo. Ito ay may taas na umaabot sa halos 8,850 metro. Nagsilbing hamon para sa marami ang pagpanhik sa Mt. Everest. Noong 2006, Heracleo “Leo” Oracion ang kauna-unahang Pilipinong umakyat sa tuktok ng Mt. Everest.

ito ang rehiyong halos napapalibutan ng karagatang indian.kabilang dito ang mga bansang:

1.INDIA-new delhi

2.BANGLADESH-dhaka

3.PAKISTAN-islamabad

4.SRI LANKA-colombo

5.BHUTAN-thimpu

6.NEPAL-kathmandu

7.MALDIVES-male

Ang Timog Asya o Katimugang Asya ay ang katimugang rehiyong ng kontinentengAsya na binubuo ng mga bansa sa timog ng Himalaya. Naghahanggan ang Timog Asya sa Karagatang Indiyano sa timog, at sa kalupaan, nang mga rehiyon ng Kanlurang Asya,Gitnang Asya, Silangang Asya at Timog-Silangang Asya.

Iba iba ang mga pahayag ng iba't ibang mga sanggunian kung aling mga bansa ang bahagi ng rehiyon. Halimbawa, ayon sa kaurian ng rehiyong heograpikal ng UN,[2]Binubuo ang Katimugang Asya ng mga bansang Afghanistan, Bangladesh, Bhutan, India,Maldives, Nepal, Pakistan, at Sri Lanka. Subalit, binanggit ng UN ang "pagtatalaga ng mga bansa o lugar sa pagpapangkat na ito ay para sa kaayusang estatistikal at hindi nagpapakahulugan nang anumang palagay pampulitikal o iba pagkakaugnay ng mga bansa o teritoryo."[3] Sa ibang katuringan, ang ibang mga bansa ay hindi bahagi ng rehiyon, at sa iba pang katuringan, ang Burma at Tibet ay ibinibilang din sa rehiyon.

Ang pangunahing relihiyon ang Hinduismo. Tinatawag ding "Land of Mysticism" dahil sa mga paniniwalang taglay ng mga relihiyon at mga pilosopiyang umusbong dito. Umusbong din dito ang mga relihiyong Buddhism, Jainism at Sikhism.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TIMOG aSYaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon