Reyna Jessa's POV
Sa tuwing tinititigan ko si Mina,naaalala ko ang anak kong kinuha ni Satana..Kung kapiling namin sya,malamanh kasing edad at kasing ganda nya si Mina..At sya sana ang susunod na mamumuno dito sa Fairylandia at hindi si Sabrina na anak ni Satana..
(FLASHBACK)
Naglilibot ako sa kagubatan ng Fairylandia kasama ng aking sanggol na si Ayumi,ang panganay naming anak ni Liseyo na kapapanganak ko palang noong isang araw..Mamaya na sya ipapakilala at ihaharap sa sambayanan at hindi na ako makapaghintay.
Pabalik na kami sa kaharian ng biglang may pagsabog akong narinig na nagmula sa sentro ng aming kaharian at yumanig ng konti ang lupa..Kinabahan ako pagkat nakaramdam ako ng malakas at maitim na kapangyarihang alam kong si Santana lamang ang may ganoong lakas..Dahil kapapanganak ko pa lamang kahapon ay hindi pa bumabalik ang aking kapangyarihan.
Nataranta ako..iniwan ko muna si Ayumi sa dulo ng kagubatan upang masigurong hindi sya matutunton ni Santana,babalik muna ako sa Fairylandia at sisiguruhing wala ng panganib bago ko iuwi si Ayumi..
Nang makalabas ako ng gubat ay biglang humarang si Santana at biglang nagsalita "kamusta ang REYNA ng Fairylandia?"
hindi nalamang ako umimik
"parang nag iba ka ata..hindi ba't dati rati sa tuwing nagkikita tayo'y nilalabanan mo agad ako? bakit hindi ka umiimik ngayon?"
mapang asar na tono nya
Bigla nya akong tinamaan ng kanyang kidlat na naging dahilan ng pagkawala ng malay ko
Nagising akong nakahiga na sa aming silid at gabi narin..napa bangon ako bigla at nagsalita si Liseyo
"mahina ka pa mahal ko , magpahinga ka muna"
"nasaan si Ayumi??nakuha nyo ba sya sa kagubatan??doon ko lamanng sya iniwan ,nasaan sya?nais kong syang makita"
sabi ko
"paumanhin mahal ko , ngunit hanggang ngayon ay naghahanap parin ang ating mga kawal"
sagot nya..napatayo ako sa kama
"Ano?! siguradong kinuha sya ni Santana! mahal ko..anong gagawin natin? kaylangan nating mabawi ang anak natin ngayon din! ayokong mawalay sakanya..ayokong mawalay kay ayumi"
sigaw ko habang umiiyak..samantalang niyakap nya lang ako
"ihanda ang buong hukbo! susugod tayo sa lungga ni Santana ngayon din!"
utos ko sa punong kawal
"masusunod mahal na reyna"
tugon nya at umalis na
"ngunit? hindi dapat tayo magpadalos dalos mahal ko..alam natin kung gaano sya kalakas"
pagtutol ni Liseyo
"ngunit hindi natin dapat pabayaan lang ang anak natin sakanya,alam mo kung gaano sya kademonyo kaya't susugod tayo ngayon din!"
sabi ko at iniwan na lamang sya doon..aminado akong hindi pa bumabalik ang lakas ko ngunit nais ko na talagang makuha ng anak ko kay Santana
***
Pagdating namin sa kaharian ni Santana ay agad napuksa ang mga tao nito..mahina ang kanyang pwersa ngayon lalo na't wala sya ngayon dito..wala na akong pakeelam kung nasaan man sya,ang mahala ay mahanap ko si Ayumi
"mahal na reyna,mayroong sanggol sa kanyang silid"
sabi ng isang kawal na may dalang sanggol..alam kong hindi iyon si Ayumi at nararamdaman kong anak iyon ni Santana
"wala akong pakeelam sa sanggol na iyan..at kung maaari ay patayin nyo yan..ang mahalaga ay ang mabawi natin si Ayumi"
sabi ko
"Hinde! kukunin natin yang sanggol na yan"
tutol ni Liseyo
"ano?!" - ako
"kapatid ko si Santana at kahi papano ay pamangkin ko parin ang batang yan,habang maaga ay ihihiwalay na natin sya kay Santana upang lumaki itong mabuti"
sagot nya
"ngunit..paano ang anak natin?"
tanong ko
"paumanhin mahal na reyna ngunit wala ang prinsesa dito" sabi ng punong kawal
"pansamantala ay itong sanggol na ito muna ang ipapakilala nating prinsesa habang hinahanap si Ayumi"
nagulat ako nang sabihin ito ni Liseyo
"ha?! naririnig mo ba ang mga pinagsasasabi mo Liseyo?!"
sigaw ko
"wala na tayong magagawa..kaya't tara na bago pa tayo mahuli ni Santana...tara na!"
sabi nya at nagumpisa ng maglakad
sumunod na lamang ako kahit labag sa kalooban ko
-END OF FLASHBACK-
YOU ARE READING
The Lost Princess [On Going]
Fantasiang fairylandia ang kaharian ng mga diwata, mapatubig pa man, lupa, tubig o hangin pa yan.. Pinamumunuan ito ni haring Liseyo at Reyna Jessa..Si Satana ang naninira ng katahimikan ng fairylandia, isa syang rebeldeng diwata na nakipagkasundo sa kadil...