Liorsky's Note: Dedicated to my BillySilly. Kyaaa. Sarreh kung pangit 'to. HAHA. :))
PS: First trailer ko at the side >> Si @Yourlonglostsister ang naggawa nan. Kakaiyak yung trailer. ♥
***
Chapter 1 - Lucas
[Gabriella's POV]
Igib ng tubig.
Sige, igib lang.
Isa pa. And... Phew!
Pagkakuha ko ng tubig, binaba ko muna ito at umunat sandali.
*Crack*
Aww. Lumagutok pa talaga ang likod ko. Pero sanay na naman ako. Ganito naman ako palagi. Ako ang taga-igib at kuha ng tubig, ako ang nagluluto ng cheap na pagkain, ako ang nag-aalaga sa kaibigan ko, basta ako na lahat. Nasa akin na ang mga trabaho sa bahay. At ano nga ba ang sinabi kong nag-aalaga ng kaibigan? Ah, si Exie Gieseke. Bestfriend ko. May malubha kasi siyang sakit and since wala ang mga magulang namin, -- Nasa abroad ang akin at nasa heaven ang kanya -- ako ang nag-aalaga sa kanya. I can handle both household chores and Exie, pero syempre, minsan nahihirapan din ako.
Gara noh? Mas nauna ko pang inintroduce ang bestfriend ko kesa sa sarili ko. Anyway, ako nga pala si Gabriella Mcfall. 17 years old. Sa mga ginagawa ko palang, alam niyo nang may kaya lang kami. Pero hindi naman yung sobrang hirap na as in walang bahay or something. What I mean is, mahirap kasi wala ang magulang namin at medyo nahihirapan ako. May itsura naman ako, kaso nagiging pangit rin kasi lagi akong nakasimangot. Napapagod e. Simula pa kasi noong 14 ako, naiwan na kami dito ng bestfriend ko. Pero kinaya ko naman.
Pumasok na ako sa loob ng maliit naming bahay habang dala-dala ang timbang may tubig. Dumeretso ako sa kwarto ni Exie para tingnan ang temperatura niya. Magkahiwalay rin kasi kami ng kwarto, pero palagi akong pumupunta sa kwarto niya para bantayan siya. Minsan kapag kailangan, doon na ako natutulog sa kwarto niya.
"Hmm. Medyo mataas pa rin." sabi ko.
"Sa tingin mo, kailan ako gagaling?" tanong naman niya.
"'Wag mong intindihin yan. Gagaling ka agad, promise." Ngumiti ako sa kanya, and ganoon rin siya sa'kin.
Hinihimas ko pa ang ulo niya hanggang sa mapatingin ako sa may bedside table. Mas lalo akong napangiti.
Picture ng Ultimate Bias na pinakamamahal ko.
Si Park Chanyeol. Isang derpy na lalaki na may baby face at deep voice. Love na love ko siya, kaya lang kahit kailan, hindi ko na siya nakita sa personal. Pero hindi na rin naman ako magtataka. Pa'no naman siya makakapunta dito sa town namin kung malayo ang lugar namin sa lugar nila? At alam ko namang mayayaman lang ang pinupuntahan nilang lugar. At wala rin naman kaming pera para makapunta sa concert nila. Hay, ganyan na lang talaga ang buhay.
BINABASA MO ANG
Dreaming about my Bias (EXO Chanyeol FanFic) ❤
Teen Fiction"Every fangirl can marry her bias..."