Chapter 23 - His Side of the Story

41.6K 772 29
                                    

Dedicated to everythingissound. Thank you so much!

Here is the update. Sana magustuhan niyo!

Enjoy!

======================================

CHAPTER 23

“I beg your pardon?” tanong ni Mikay kay Gino. Baka naman napantig lang ang tenga niya at mali ang narinig niya.

“Pumayag kang magpakasal sa’kin,” pag-uulit naman ni Gino nang hindi kumukurap.

“You’re serious,” hindi makapaniwalang sambit ng dalaga. “You must be out of your mind! Bakit naman ako magpapakasal sa’yo?”

“That’s not what I meant. Ang sabi ko pumayag kang magpakasal sa akin. Hindi ang magpakasal tayo.”

“Now, you’re just talking nonsense. Ano ba talaga? Nalilito na ako sa’yo,” naiiritang sabi ni Mikay. Hindi niya na alam kung saan papunta ang usapang ito.

Natigil ang pag-uusap nila sa pagdating ng in-order na pagkain. Pagkatapos ilapag ng waiter ang lahat ng mga ito sa harapan nila ay muli siyang binalingan ni Gino.

“You eat, I’ll talk,” utos nito sa kanya.

Dahil aminadong gutom na rin siya ay hindi na nakipagtalo pa si Mikay. She picked up her utensils and started eating. Nakaka-ilang subo na siya pero hindi pa rin nagsasalitang muli si Gino.

“What? Magsasalita ka ba o papanoorin mo lang ako?” taas-kilay na tanong niya rito.

“Na-miss ko lang na makasabay kang kumain,” nakangiting sagot nito sa kanya.

Pilit na binura ni Mikay ang naramdamang kilig. She rolled her eyes at him and pretended to be irritated. “Oh, please. You’re changing the subject again.”

Napabuntong-hininga na lang ito sa pagtataray niya. Gusto niyang magsisi sa kung paano niya ito tratuhin, pero nangingibabaw pa rin ang sama ng loob niya rito. Nagsinungaling pa rin si Gino sa kanya.

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon