Permanent Marker
Almost every day nagtatravel ako.
Sumasakay ng pedicab, jeepney, tricycle, at sumasakay ng Bus.
Nakakapagod din pala,
Nakakasawa,
Pero sino ang mag-aakalang magbubukas ang isang pintuan sa mundo kong walang kulay?
Sino ba ang mag-aakalang sa araw-araw ko na pakikipagsapalaran mahahanap ko ang isang babaeng nagpatigil ng mundo ko??
Pero wala eh... siguro hanggang tingin na lang ako sakanya.
Kasi kahit bibig ko, natitikom kapag nanjan na sya.
PERO ANONG MAGAGAWA KO??
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nahuhulog na yata ako sakanya.
.
.
.
Weird no?
Pero oo, in love na yata ako sa babaeng mahilig magdrawing ng heart sa moist ng bintana.
U*
Paano ko nga ba masasabing mahal ko sya?
Kung ni isang pagkakataon hindi ako magkaroon.
May Happy ending pa ba sa love story naming dalawa?
O
Hahayaan ko na lang itong maglaho katulad ng moist sa bintana.
If you really want to know the answer...
You must READ THIs!!
*o*
A/n: this is one shot :)) hope you like it guys.
It's THE WORK DONE BY BOREDOM :))
>>>BY: Itsbloomfantasies24 & PAOLA Regudon :))
Jap's POV
"Nakakainis naman. Maaga na nga akong umalis sa bahay namin mukhang malalate pa rin ako tapos nakisabay pa 'tong ulan na to." Sabi ko sa sarili ko habang naghihintay ng Bus. Sobrang tagal naman, ilang minuto na kong nandito sa may waiting shed.
Habang naghihintay ako may isang babaeng nakaagaw ng atensyon ko.
Napaka simpleng babae lang nya, pero for the very first time sya lang ang natatanging babae na tinitigan ko ng ganito. Nakaside view sya sakin, ewan ko kung nakikita nya ko sa side ng mata nya pero natutuwa akong panoorin sya.
Para kasi syang bata na sinasalo yung patak ng ulan at ang nakakatawa pa masayang masaya sya sa ginagawa nya.
Simple lang sya... isang salita na never ko pang dinescribe sa kahit sinong babae na nakilala ko.
Walang bahid ng kahit anong pampaganda ang mukha nya. Medyo dry na nga din ang lips nya eh at ang buhok nyang mahaba ay nakalugay lang.
Maya-maya pa nawala na lang sya bigla sa paningin ko.