Isang araw
bumalik na naman
ang nakaraan
Akala ko nawala na
ang apoy
Akala ko sumama nang
natunaw
sa sariling luha
Bakit ngayon
muli na namang
natatanaw?
Ganoon talaga siguro
Kapag mahal mo
ang isang tao
hindi mo
madaling kalimutan
ang mga nagdaan
na inyong pinagsamahan
At siya mismo
Hindi siya madaling matanggal
sa iyong isip at puso
Mahal ko kasi siya
nang totoo
Kaya siguro
kumakapit pa rin
ang puso ko
Kumakapit pa rin
ang pag-ibig ko
para sa kanya
May tamang panahon
para sa lahat ng bagay
At ang tamang panahon
na iyon
ay hindi na darating
para sa amin
Kaya ngayon
ang tamang panahon
para kalimutan na siya
nang tuluyan
Burahin ang nakaraan
Ibahin ang daan
na tatahakin
Ibang puso
ang dapat na nakawin
Ibang pag-ibig
ang dapat na maangkin
Kaya kong
makalimot
Kaya kong
huwag nang balikan
ang makulit
at pabalik-balik
na nakaraan
Kaya kong
tanggalin
ang puso kong
kumakapit
na parang tukong
dumidikit
sa pader at kisame
ng pag-ibig
Kaya kong
kalimutan siya
Kaya kong
mag-move on
Kaya ko
Kakayanin ko
BINABASA MO ANG
Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]
PoetryIsang Tulaserye, serye ng tulang pasalaysay [narrative poetry].