Non-Mover

18 1 0
                                    

Limang buwan na rin ang nakalipas. Limang buwan at dalawang araw para eksakto. Tandang-tanda ko pa ang mukha mo nung gabing iyon sa Starbucks. Sa pagitan ng paghigop ng malamig na kape (na lumamig sa tatlong oras kong paghihintay sa 'yo) ay ang mga mata mong hindi makatingin nang diretso. Patango-tango ka lang noon habang ako'y hirap na hirap sa paghahanap ng mga salitang makapagpapagaan ng ating mga kalooban. Finally, may closure na, yun ang naisip ko noon. Ngunit hindi rin ako sigurado dahil alam kong wala naman talagang permanenteng natatapos na pahina. Lalo kong napatunayan ito ngayon.

Nakita kita kanina. Mali, nakita ko kayo kanina. Hindi ko kilala ang kasama mo pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang mukha niya. Ang nakapukaw ng pansin ko ay ang kamay niyang nakaakbay sa 'yo. Limang buwan at dalawang araw. Sabagay, pwede na. Tapos na ang three-month rule.

Pwede na dapat.

Pero iba ang naramdaman ko. Pakiramdam ko ay hinila pabalik ng gabing iyon sa Starbucks ang lahat ng hininga na meron ako nung sandaling makita ko kayo. Para akong napako sa kinatatayuan nang magtama ang mga mata natin. Wala namang kelangang ipaliwanag pero marami akong gustong itanong. Hindi lang sa 'yo kundi maging sa sarili ko. Nawala lang ang pagkatulala ko nang maramdaman kong may kamay na humawak sa kamay ko. Si Jenny.

Hindi nakaligtas sa 'kin ang mga mata mong sumaglit sa magkahawak naming mga kamay. Eto na ang sandaling akala ko'y napaghandaan ko - Ako na kasama siya at ikaw na may kasamang iba. Ngunit tinakasan ako ng mga ideya ng sandaling iyon.

Tanging nasa isip ko lang ay ang huling gabing magkasama tayo kung saan nagpasya tayong putulin ang lahat. Nanariwa sa isip ko ang mga mata mong hindi diretsong makatingin, ang nanlamig na kape, at mga labi mong nakalapat nang mariin - na kasama ng  isang libo't isang salitang iyong napigilan ay ang loob ko ngayong punung-puno ng panghihinayang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Non-MoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon