@rikadesu's POV
Sleep paralysis
Itong kwento po na ito ay nangyari last year. (2015)
Tulog na kami non lahat. Pero ako sa kalagitnaan ng pagtulog ko, bigla akong nagising. Babangon sana ako kaso di ako makabangon. Yung tipong di mo kontrol yung katawan mo. Gising yung utak mo pero tulog katawan mo. Tapos mayamaya, naninikip na pakiramdam ko kaya nag simula ko ng tawagin si Mama. Mama lang ako ng Mama non. Dapat pasigaw yung pagkakasabi ko kaso hindi ako makasigaw nong sinasabi ko yan. Tapos nong makakabangon na sana ako, bago yun, may nakita akong batang lalake. Kaya nong gising na talaga ako, dali dali kong kinuha yung unan at kumot ko at sa sala na ako natulog kasama sila Mama. Nong time po kasi na nangyari sa'kin yung bangungot na yon, ako lang mag isa sa kwarto. Maraming beses na pong nangyari sakin yan pero buti na lang at di ko na ulit nakita yung bata.
Englishera
Last year din po 'to nangyari. Month of August. Abala kami sa pag aayos ng props at costumes kasi kasali ako sa sayaw non. Maya maya, may narinig akong sinabi na may sinapian sa second year. Tapos ako naman, napatanong agad na "Sinong nasapian?"
Ang sabi si May daw (di tunay na pangalan). Kilala ko yun si May. Kapatid niya kaklase ko at magkatabi lang room namin. So, ito nga. Sabi nasapian raw siya. Iba na kasi ito kumilos. Tapos nasabi rin ni Kuya Jarbi, isa sa kasali sa sayaw, naglalakad siya ng bigla siyang harapin ni May at tanongin ng "Hi! What's your name?" Englishera talaga siya non. Buti na lang at di siya nananakit. Pero sa room nila, bigla raw itong tumayo at kinuha ang chalk sabay nag drawing ng mukha ng demonyo. Agad namang napayakap yung Mama ni May dahil sa dinrawing nya. Tapos ayun, nagdasal po yung mga teachers sakanya at nong okay na, sabi ng Mama ni May, "May, ikaw na ba yan?" Tapos ngumiti si May at niyakap siya ulit ng Mama niya. May Englishera din po palang multo na nagagawi dito no? Akala ko puro pinoy multo natin dito. Hehe!
_END_
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]
HorrorIhanda na ang sariling matakot at kilabutan dahil dito sa pangatlong yugto ng Nginig, sisiguraduhin kong manlalamig ka. Sisiguraduhin kong pagpapawisan ka. At sisiguraduhin kong pagkatapos mong basahin ito... MANINIWALA KA NANG TOTOO SILA!