Chapter 2

7.5K 186 5
                                    

GENES for HIRE
by...emzalbino

IBAÑEZ MANSION.....

"Ang tagal mo naman bruha!" nayayamot na sa kahihintay si Lovely kay Czarinna sa may swimming pool at kanina pa ito nakabilad sa araw habang hinihintay niya ang kaibigan sa pagpapalit nito ng swimsuit.

"Ikaw kaya ang maglakad mula sa kwarto ko hanggang dito!" pairap na sagot ni Czarinna dahil ang kwarto niya ay nasa itaas ng bahay.

"Eh papaano mas marami pa ang kending mo kesa sa paglakad mo!" prangkang sagot ni Lovely.

"Masyado kang maraming satsat! Paki lagyan nga ng lotion ang likod ko at hindi ko maabot!" ani Czarinna saka inabot sa kaibigang bakla ang hawak hawak na lotion.

"Ay matanong ko nga pala iyong plano mo, sure kana ba doon oh nagbago na ang isip mo?" maya maya ay ungkat ni Lovely kay Czarinna tungkol sa plano nitong paghahanap ng lalaking makapagbibigay sa kanya ng anak o sa madaling sabi ay mababayaran para siya ay magdalang tao.

"I'm pretty sure and I won't change my mind about it!" matatag na sagot ni Czarinna.

"Eh alam ba nila mamita at papsy ang tungkol sa balak mong ito?" tanong muli ni Lovely at ang tinutukoy nito ay ang mga magulang ni Czarinna na sina Don Edmundo Ibañez at donya Zenaida Ibañez.

"Of course not!"... nanlalaki ang mga matang sagot ni Czarinna...."Do you think na papayag sina mommy at daddy kung sakaling alam nila ang balak kong ito?" balik tanong ni Czarinna kay Lovely.

"Hindi nga eh!" nakangiwing sagot ni Lovely....." Eh papaano mo sasabihin kung sakaling mabuntis ka? I'm sure na magwawala si papsy at mamita?" may pag aalalang turan ni Lovely.

"You know me Lovely, if I finalized the one thing,.. I won't change it anymore. And I will do this not for my own sake only but for my parents as well. All I want is a child and in that point, I can grant my parent wish, to have a grand child." punong puno ng kaseryosohan ang himig ni Czarinna habang nagsasalita ito.

"Eh papaano kung ayaw pumayag nung guy or hindi ko siya makumbinsi?" ani Lovely.

"Do your best to convince him, I able to pay the amount he want to be basta masiguro niyang mabubuntis ako and after that magpapaka layo layo na ako if I'm preggy already" muling pahayag ni Czarinna.

"I gave him until tomorrow na magpasya kung i a accept nga ba niya ang offer o hindi" saad naman ni Lovely.

"Is he good? I mean, mabuti ba siyang tao?" tanong ulit ni Czarinna dahil kahit naman iyon ang napili niyang desisyon na gawin sa buhay niya ay gusto naman niyang maganda ang back ground ng lalaking makapagbibigay sa kanya ng anak.

"He's a good guy I think! I can see the way he talk, the way he moves. Maybe hindi mo siya ka level up sa estado ng buhay but sa face naman ay panalong panalo siya!" may pagmamalaking turan ni Lovely.

"That's the one point! Baka naman maraming tigyawat or what ever tapos sa kanya pa magmamana ng face ang magiging baby ko. Mas okay naman iyong kahit papaano ay may face" seryosong wika ni Czarinna.

"Alangan namang bigyan kita ng tigyawating guy eh sa arte mong iyan!" napaismid nalang si Lovely sabay ngiti nito......."In fairness Czarinna, kung may matris lang ako ay baka hinding hindi ko na ire rekomenda sa iyo si Elly dahil unang tingin ko palang sa kanya ay type ko na. But, dahil sa kinukulit mo ako at wala akong matris kaya sige na saiyo ko na ipapaubaya!" nakatikwas ang mga darili ni Lovely at ang kilay nito ay nakataas habang nakatingin sa kaibigang tuwang tuwa sa kaartehan ni Lovely....."Sige pagtawanan mo ako at babawiin ko kay Elly ang ini o offer ko sa kanya na langit!" lantarang sabi ni Lovely.

GENES for HIRE......by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon