GENES for HIRE
by...emzalbino"Are you sure Pogi este Elly!.." hindi makapaniwalang turan ni Lovely at ng tumango si Elly ay halos mayakap na niya ang binata kaya naman pati mga katabi nilang mga kumakain ay napatingin sa kanila......"I'm so sorry, I'm just happy sa narinig ko mula saiyo. Wag kang mag alala dahil gaya ng sabi ko ay hindi biro itong alok ko saiyo. But, you can have only the payment once na preggy na si Czarinna." Pahayag ni Lovely.
"Okay!" tanging sabi ni Elly.
"Good!" nag thumbs pang wika ni Lovely...."If you need anything ay sabihin mo lang sa akin and later ay ssabihin ko kay Czarinna na pumapayag kana" masayang sabi ni Lovely at muli ay tango lang ang naging kasagutan ni Elly dahil hindi naman niya alam ang aknyang sasabihin basta pumayag nalang siya ay okay na iyon dahil nais niyang makamit ang kanyang pangarap ang magkaroon ng diploma bilang isang engineer.
.....
Matapos ang pag uusap nila Elly at Lovely ay agad na itong dumiretso sa mansion ng mga IBAÑEZ. Naabutan niya si Czarinna na kausap ng kanyang mommy Zenaida at daddy Edmundo. Nang makita na niyang paalis na nag mga magulang ng kaibigan ay pasimpleng hinila niya si Czarinna at dinala sa sariling kwarto ng dalaga na nagtataka ito sa kinikilos ng kaibigan dahil para itong kinikiliti o kaya ay kinikilig.
"Bakit ba para kang inahing pusa na hindi makaanak?" hindi napigilang tanong ni Czarinna dahil natuturete siya sa hitsura ng kaibigan.
"Hoy bruha! Dapat ay magsaya ka nga dahil pumayag na si Pogi!" halos pumalakpak pa ito na hindi mapakali sa may kinauupuang single sofa.
"Anong magsaya? Sinong pogi ang pinagsassabi mo?" naguguluhang tanong ni Czarinna dahil hindi naman maliwanag ang pagkakalahad ng kaibigan.
"Iyong si Elly, pumayag na siya! He grabbed my offer for him!" nandidilat ang mga matang sabi ni Lovely.
"Talaga!".. parang na excite din si Czarinna dahil sa wakas at matutupad na ang kanyang plano.
"Yup! At ngayon ay ang susunod na hakbang ay kung kailan kayo magkikita o kaya ay kailan niyo isasagawa ang pag akyat sa langit?" parang kinikilig na turan ni Lovely ngunit ng pandilatan siya ni Czarinna ay naging seryoso ang bakla.
"I'll will meet him kapag fertile na ako para masigurado kong mabubuntis ako" bunting hiningang sagot ni Czarinna.
"Czarinna, sigurado kaba talaga sa plano mong ito? Dahil kung nag aalinlangan ka ay pwede ko namang ikansela nalang." may pag aalalang wika ni Lovely dahil parang natigilan ang kaibigan.
"Nope! The show must goon!" Agad na sagot ni Czarinna dahil buo na ang pasya nito, safyang natigilan lang siya dahil parang may kung anong kaba ang biglang bumangon sa kanyang dibdib ng mga sandaling iyon ng malamang pumayag na ang lalaking nakausap ni Lovely para mabigyan siya ng anak.
"So, I will tell him nalang kung kailan ka ready to meet him" pormal na wika ni Lovely.
"Yes! And I will tell you too kung kailan at saan kami magkikita" sang ayon na sabi ni Czarinna dahil alam niyang paparating palang ang kanyang buwanang dalaw kaya dapat muna niyang patapusin ito bago niya i meet ang lalaking nagngangalang Elly, to make love with her.
"Eh Czarinna, how about your parents? Papaano ka magpapaalam sa kanila kung sakali man? Syempre that time ay mawawala ka sandali sa bahay niyo? Papaano mo ilulusot sa kanila ang iyong plano?" nag aalalang tanong ni Lovely.
"We have to make a deal! Magpapaalam ako kina mommy at daddy that I will going out with you para um attend ng party to your other friends and we need to stay their for the whole night, at dapat mong sang ayunan iyon para maging totoo ang lahat" pahayag ni Czarinna sa kaibigan.
