EuropeUmaga na ngayon. Grabe ang mga nangyari noong isang linggo kaya ngayon heto at nakatigil kami ni Asia sa mansion nina Tanda. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa sinabi nina Sakura.Nalaman ko na ka-edad namin sila lalo na yung math teacher na yun. Tss. Kasing edad ko pero akala mo kung umasta parang nagmemenopause. At isa pa may kasalanan pa siya sa akin, ninakawan niya ng halik si Asia.
Pauli-uli akong naglalakad sa may veranda. Simula nang kupkupin kami ni Sakura, ay ganito na ang naging routine ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising si Asia. Tss. Yung matanda kasing yun, ayaw akong papasukin sa kwarto ni Asia. Duda pa naman ako sa hinayupak na yun. Baka mamaya ay ninanakawan na niya ng halik si Asia.
Napasabunot na lang ako sa aking sarili. Nahihibang na ata ako. Kinakabahan ako dahil mukha pa namang playboy si Tanda."Bakit ko ba iniisip yung matandang yun?"ang sigaw ko.
"Hoy Europe! Kasing edad mo lang ako! Kaya hindi pa ako matanda!",ang sigaw ni Tanda.
Napalingon ako sa pinagmulan ng boses. Si Tandang PMS lang pala. Humihigop siya ng black coffee sa kanyang coffee mug na black at may picture iyon ng teddy bear. Tss. Ano ba siya, isip-bata?
"Bakit naman hindi ka pwedeng tawaging tanda eh pag nagagalit ka para kang may menopause?" ang nang-aasar kong sabi.
Halatang nagpantig ang tenga ni Tandang PMS dahil nabasag niya ang kanyang coffee mug na hawak. Tss. Coffee lovers may hate him right now.
"Anong sinabi mo? Hindi ba't ikaw 'tong mukhang matanda sa atin? Lalaking ubanin!" ang sabi ni Tanda at akmang susugod siya kung hindi agad siya pinigilan nina Shin at Akio.
Ako ubanin? Hindi ako ubanin! Natural na kulay to ng buhok ko!
"O ano, Tandang PMS bakit di ka makalapit? Duwag ka pala eh! "ang pang-iinis ko.
Hindi magkaintidihan sa paghatak yung dalawa. He's too strong for those two.
"Europa! Wag nang asarin si Aichi! Baka mabura nito ang bansang 'to sa sobrang inis sa'yo! " ang pakiusap ni Akio habang hinahatak si Tanda.
Itinutulak naman ni Shin si Tanda dahil maaaring masira ang designer clothes ni Tanda.
"Kalma lang! Aichi! Bata yan!" ang sabi ni Shin.
Napantig ang tenga ko sa sinabi niya. Ako? Bata? FYI lang ang ayoko sa lahat ay yung tinatawag akong bata!
"Hindi ako Bata! Isa pa, twenty years old na ako! Kasing edad ko lang kayo! " ang sigaw ko at susugudin ko na sana si Shin.
Biglang lumabas sa veranda si Sakura at pinigilan akong sugurin ang boyfriend niya. Sumunod naman si Jin at tinitigan niya kami ng masama. Bigla akong kinilabutan sa titig ni Jin. Parang isang dragonang handa kaming tupukin ng kanyang apoy. Pero apoy nga ba ang ability niya?
"Kumalma nga kayong dalawa!" ang sabi ni Jin.
"Shut up, Walker di ka namin kausap!" ang sigaw namin ni Tanda.
Pakiramdam ko ay lumamig ang paligid ng mga oras na iyon. Sinamaan ko ng tingin si Tanda dahil siya lang ang alam kong gumagamit ng yelo dito. Napansin kong namutla si Tanda at doon na ako kinabahan. Kung ganun, hindi kay Tanda nanggagaling ang nararamdaman ko. Ang tanong kanino? Nakita kong niyugyog ni Sakura si Jin.
"J-Jin! Calm down! Hamilton! Ashbell! Mag-sorry na kayo! Please nagmamakaawa ako! Kung mahal niyo pa mga buhay niyo!" ang pakiusap ni Sakura.
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Sakura. Ano nga ba ang ability ni Jin? Curious ako. Namumula sa galit si Jin kaya naman nagulat kami ng makakita kami ng lavender na magic circle sa kanyang paanan.
BINABASA MO ANG
Chikara Academy:Second Life [COMPLETED AT DREAME]
FantasiaPanibagong buhay ang binigay kay Akari. Sa kanyang pagbabalik, ay nakalimutan niya na ang kanyang mga mahal sa buhay lalo na ang kanyang pinakamamahal na si Aichi. Manumbalik pa kaya ang dati nilang samahan??