Kaira's POV
"Samin ka nalang kaya sumama Kai?" pangungulit ni Viel.
Nakahiga siya sa kama ko habang ako, kumukuha ng mga damit na dadalhin ko sa trip ng barkada.
"Saviel Dizon, how many times do I have to tell you? I missed my friends and I'm fine" pang-ilang ulit ko na bang nasabi sa kanya yan?! Ilang beses na niya akong natanong ng same question na yun pero hindi naman siya nakakakuha ng ibang sagot!
"Hays, sigurado ka bang ok ka lang na kasama silang dalawa? I mean, alam ko namang nasasaktan ka eh" nag-aalalang tanong niya. Tinignan ko siya, his eyes were really pleading.
"Viel, wala naman akong magagawa eh, ito yung pinili ko kaya kailangan kong panindigan toh. Isa pa, masaya naman na akong malamang masaya siya" paliwanag ko.
Umupo ako sa gilid niya. Pumikit siyang bigla tapos huminga na naman ng malalim. "Ako nalang kasi mahalin mo para di ka na masaktan, ako naman ang pakakasalan mo eh" natigilan ako nung sabihin niya yan, nakaramdam ako ng lungkot sa boses niya eh.
Hindi ko alam kung anong isasagot kaya pinalo ko nalang siya sa dibdib. "Lakas na naman ng tama mo Viel, kung anu ano na naman pinagsasabi mo" sabi ko nalang.
"Kai handa na yu-- oh Saviel, nandito ka pala?" napalingon ako sa nagbukas ng pinto at nakita si kuya.
"Isang linggo kitang makakasama kaya ayoko pang makita yang mukha mo Kai, lumayas ka sa harap ko" sabi ni Viel habang nakahiga pa rin at di nililingon si kuya.
"Lol! Bumaba na kayo't handa na yung hapunan" utos ni kuya tapos mabilis din siyang lumabas.
"Kelan pa naging ugali ni kuya na personal magtawag imbis na mag-utos sa maids?" takang tanong ko.
Napaupo bigla si Viel sa tabi ko. "Eh kung wag nalang kaya akong sumama sa kuya mo? Sa inyo nalang ako sasama" kunot noong suggestion niya. I rolled my eyes at him. Di pala nakikinig sakin ang loko.
"Magtigil ka nga Viel! Alam kong namiss niyo ni kuya ang isa't isa! Kaya nga di na muna ako sasama sa inyo eh, tas di ka naman sasama?! Eh kung pinupukpok kaya kita ng libro sa ulo?!"
Bigla siyang nagpout. "Tumigil ka na Viel! Lika na nga sa baba, kain na da--" tatayo na sana ako pero bigla niya akong hinila pabalik sa kama at niyakap mula sa likod.
Sa ilang buwan na siya lagi yung kasama ko, nasanay na rin ako sa pangyayakap niya, mahilig siyang mangyakap mula sa likod eh. Hindi na rin naman iba si Viel sakin, mas close na kami ngayon kesa nung buhay pa si Eli. Para ngang siya na yung pumalit kay Eli sa pagiging bestfriend ko eh.
"Just call me if you need anything, okay? I'll talk to the other two Villanueva's to look after you" malambing na sabi niya na para bang ayaw niya talaga akong pumunta dun nang wala siya.
"I'll be fine. Just have fun there" paninigurado ko sa kanya. Hinila ko na siya papatayo para makababa na kami, baka magwala pa si kuya eh.
Pagkababa namin, nagulat kami nung makita namin si Camille na katabi ni kuya sa dining table.
"Tingin mo may something na sa kanila?" bulong sakin ni Viel.
"Bestfriend mo si kuya diba? Edi tanungin mo" nakangiting sagot ko. Ang kulit kasi nila eh, ayaw magtanong ng mga ganyang bagay pero madali namang magkaintindihan even without words.
"Kai, girlfriend mo na ba siya?" tanong ni Viel pagkaupong pagkaupo namin sa harap nila. Abnormal talaga toh! Di man lang humanap muna ng magandang timing!
Biglang naubo si Camille, si kuya poker face lang.
"I see" nakangiting sabi ni Viel kahit wala pang sinasabi si kuya. Oh diba? Di nila kailangan ng salita para magkaintindihan.
BINABASA MO ANG
You Are My Gangster Bestfriend
Teen FictionMahirap daw magmahal ng taong may mahal ng iba? OO, mahirap! Mas mahirap daw magmahal ng taong may mahal ng iba, at kaibigan lang ang tingin sayo? OO, mas mahirap! Pero ang PINAKAMAHIRAP sa lahat, ay yung magmahal ng taong HINDI KA NAAALALA! Paano k...