Prologue

810 13 2
                                    


"Sinayang mo yung apat na taon! Sinayang mo! Bakit? Bakit mo sa akin ginawa 'to?!" yumuko na lamang ako at pumikit ng mariin. Sa pagpikit ko ay mas lalong nanuot ang sakit ng mga ginawa niya. Minahal ko siya hanggang sa makakaya ko, hanggang sa maubos na ako. Napaupo na lamang ako sa sofa at napasabunot sa sarili. Habang tahimik lang siyang nasa harap ko ay mas lalong pinapatay ang kalooban ko. Walang namagitan sa amin kundi ang hagulgol ko. Bakit umabot sa ganito? Ilang beses kong sinuntok ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay sasabog iyon anumang sandali.

"Kailan pa?" hindi ko alam kung bakit tinatanong ko pa iyon kahit na alam kong mas ikababaliw ko iyon. Bakit ba mas sinasaktan ko pa ang sarili ko?

"Please, don't do this to yourself Sette." kinagat ko ang ibabang labi ko at nagbuntong-hininga. Mas lalo lamang akong napaiyak nang lumuhod siya sa harap ko.

"Bakit? Kahit iyon lang yung sagutin mo Dave!! For almost four years wala akong ginawa kundi ang mahalin ka. Ang tanong ko lang ngayon ay bakit mo ako dapat saktan ng ganito?" ilang beses pa akong nagbuntong hininga dahil pakiramdam ko ay mapupugto na ang aking hininga. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa aking hita at umiyak na rin. Gusto ko siyang suntukin at saktan pero hindi non matutumbasan ang sakit na unti-unting dinudurog ako.

"Akala ko okay tayo! Akala ko....." hindi ko na natuloy pa ang mga sasabihin ko dahil humagulgol na lamang ako. Nabablangko ang utak ko ng sakit na nararamdaman ko.

"I'm sorry Sette. I love you so much. I don't wanna lose you." itinakip ko ang aking mga palad sa aking mukha at umiyak pa lalo. Parang papatayin ako ng sari-saring emosyong naglalaro sa akin ngayon.

"I already lose you Dave. Matagal ko namang alam na unti-unti na kitang naiwawala pero kumapit ako kasi alam kong hindi mo isusuko ang lahat ng mayroon tayo. Four years, akala ko hindi mo ipagpapalit 'yon pero mali pala ako. What happened to us?


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Say The Word GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon