Chapter Two

9.6K 301 26
                                    

"Hey! Wake up! Sleepy head!"

Tinapik ko sa balikat ang binatang natutulog sa tabi ko. Kanina ko pa gustong gumalaw pero hindi ako makagalaw dahil ayaw ko namang magising siya. Ewan ko ba kung bakit concern ako sa lalaking 'to. Kanina ko pa din gustong bawiin ang isa kong kamay na mahigpit na hinawakan niya habang siyay nakatulog.

Isang oras na mula nang makarating kami ng Davao. Isang oras na rin akong naghihintay na magising ang binatang mahimbing at humihilik na natutulog sa tabi ko.

Kung tutuusin pwedi naman akong umalis at iwan siyang mag-isa. Pero hindi ko ginawa.

Iniangat ko ang kanyang ulo. Nakita ko ang mga mata niyang nakapikit. Ang maamo niyang mukhang kaysarap pag masdan. Para siyang isang paslit na mahimbing na natutulog.

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya na nakatakip sa mga mata niya. Nakita ko ang biglang pagkunot ng noo niya.

"Mama...mama.. Bakit niyo ako iniwan?" Nakapikit na sabi niya. Umiling-iling pa siya na para bang may tinatanggihan. Ang maamo niyang mukha ay napalitan nang takot.

"Hwag po! hwag po.. Parang awa niyo na. H'wag po. Mama..mama.."

Tulog pa.rin siya habang sinasabi ang mga salitang yun. Bigla ako nakaramdam nang awa. Nababakas sa mukha niya ang sobrang takot. Bigla ko siyang niyakap.

"Sshhh.. Nandito lang ako."

Bigla siyang nagising at itinulak ako. Mabuti nalang talaga at nakaupo pa rin kami may kalakasan pa naman ang pagtulak niya.

"Anong ginawa mo? May balak ka bang masama sa akin?" Galit na tanong niya.

Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. Nakikitaan ko siya nang takot. Ang mukha niya kanina ng una ko siyang nakita ay iba sa mukhang nakikita ko ngayon. Kung kanina ay mukha siyang masayahin. Ngayon ay napupuno siya nang pangamba at takot.

"Sa tingin mo, anong ginawa ko sayo?" Seryosong tanong ko.

Tiningnan niya ang sarili niya. Nang mapansin niyang maayos naman siya ay tumingin ulit siya sa akin.

"S-sorry.. Akala ko kasi katulad ka rin nila." Napayuko siya. Nakita ko ang pagkagat niya sa ibabang labi niya.

"Sino naman sila?" Tanong ko. Ewan ko ba. Pero may bahagi ng pagkatao ko ang gustong malaman ang pagkatao niya.

Yung totoo, nakikita ko sa kanya si Rhett. Ang maamong mukha niya ay nagpapaalala sa akin  sa lalaking pinangarap kong makasama habang buhay.

"H-hindi mo na kailangan malaman." Iniangat niya ang ulo niya. Nagtama ang aming mga mata. Yung takot sa mga mata niya ay napalitan nang excitement. "Nasa Davao na ba tayo?" Tanong niya.

Tumango ako. "Isa't-kalahating oras na." Seryosong sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata niya na para bang hindi makapaniwala sa narinig.

"Talaga?" Napahawak pa siya sa braso ko. "Makikita ko na rin siya.." Masayang sabi niya.

Sinong siya?

Gusto ko sanang itanong but I realized na mukhang nagiging interesado ako sa pagkatao niya. Ngumiti siya sa akin na para bang alam niya ang nasa isip ko.

"Yung papa ko." Sabi niya. Tumingin siya sa paligid at nagtatakang tumingin ulit sa akin. "Bakit pala tayo lang dalawa nakasakay dito? Asan ba yung ibang pasahero?" Tanong niya.

"Pinababa ko kanina." Pinandilatan ko pa siya ng mga mata. "Kaya bumaba ka na rin." Nag uusig na sabi ko.

Biglang lumungkot ang expression ng mukha niya. Nagsusumamo rin ang mga mata nito.

Twisted Fate (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon