Forever and Always (one shot)

589 21 20
                                    

Forever is a word, often told by people who are deeply in love.

****

"Huh! She's a bitch! Bakit siya pa ang pinili ni Ryan? Anong nakita niya at bakit nakipagbreak si Ryan sa ex niya to think na mas maganda naman si Graciela sa kanya." Rinig kong nagbubulungan ang mga kaofficemates ko. Ako na naman ang topic nila. I'm getting used to it though. Hindi na ako nagtataka kung bakit yan ang reaction nila sa panliligaw ni Ryan sakin. Hindi ko naman talaga alam bakit sa dinami daming babae eh ako ang napiling mahalin ni Ryan.

Kilala si Ryan sa mga babae sa taglay niyang kagalingan sa pagsusulat habang ako nagiging assistant lang niya. Marami ring naging exes si Ryan at isa na dun si Graciela na alam kong botong boto sa kaniya ang mga office mates ko. Maganda siya, maputi, makinis at sexy habang ako simple lang, hindi maputi pero may kagandahan din namang taglay sabi ng mga kaibigan ko.

"Good morning princess." Bati ni Ryan sakin, hindi pinupuna ang mga nag uusap sa likuran ko. Para siyang walang pakialam sa mga sasabihin ng tao. Halatang alam na ang mga gagawin niya para lang mapasagot ako.

Aaminin kong nahuhulog naman ako sa kanya, paanong hindi eh halos lahat na yata ng effort na pwede niyang gawin eh gagawin niya mapasagot lang ako.

"Ohh, wala ka na naman sa sarili?" Alalang tanong niya sakin sabay akay sakin.

"O-okay lang ako." Tanggi ko kasi alam kong magagalit siya sa mga nag-uusap sa likuran namin at alam kong mas magagalit ang mga yun sa akin.

Nag-aya siyang kumain sa labas at wala naman din akong magawa kasi gusto niya. Ganun naman kasi kami parati, wala nang nakakagulat dun. Hinahatid sundo niya ako.

Hindi naglaon, naging kami. Masaya kaming nag-eenjoy sa company ng isa't isa. Alam kong mahal niya ako at ganun din ako sa kanya. One time he asked me kung handa na ba akong lumagay sa tahimik.

"Oo naman.. Every girls dream is to have their happiness forever." Masaya kong sagot.

"If that forever is with me, gusto mo ba?" Tanong niya.

"Of course. I'd be happy to spend my forever with you Ryan." Sagot ko sa kanya.

I saw his smiled grew bigger and then he kissed me sa noo ko. The greatest thing I love about him, a sweet and caring gentleman. One of the traits na gusto ko sa kanya--respect with me and my family. Masaya kami sa kung anong meron kami, kilala na siya ng pamilya ko and ganun din ako sa kanya.

Hindi rin mawala ang mga problema sa aming dalawa simula nung nalaman ng mga ayaw sa akin na naging kami. Noong nalaman ng mga babaeng yun ay ilang beses na sana akong sumuko, nilalandi nila si Ryan at kung ano pa but our relationship grew stronger dahil si Ryan mismo ang nagsabi sa akin na siya lang daw ang pagkakatiwalaan ko. Hindi naman ako nagkamali sa pagsunod sa kanya, open siya sa lahat ng bagay at kung saan siya pumupunta at kung sino ang kasama niya he always informs me.

One year, two years, three years, four years hanggang sa umabot kami sa eight years, naging strong ang relasyon namin at nagbabalak na kaming lumagay sa tahimik.

Dumating ang isang araw na hindi ko inakala dahil sa kitang kita ko ang nangyari.

Maluha luha kong tinahak ang lugar kung nasaan siya. Nakaalis na ang salarin.

I saw him engulfed with his own blood. Agad ko siyang pinuntahan, my body trembled dahil sa sakit at takot na nararamdaman ko. I saw our officemates' concerned faces then called the ambulance pero ako nandito hinahawakan ang duguan kong pinakamamahal. Buhay pa siya, I saw his faint smile. Inabot niya ang kamay niya sakin and tapos hinawakan ko ito at inilagay sa pisngi ko.

"My queen, nabaril ako." Matawa tawa niyang sambit para lang huwag akong umiyak but he was wrong mas humagulgol ako sa iyak, hindi niya ako dapat iwan.

"Shhh. Don't cry. Don't cry." Sabi niya habang mahina niyang pinahid ng duguan niyang kamay ang pisngi kong puno ng luha. Wala na rin akong pakialam sa magiging hitsura ko kasi siya lang.. Siya lang ang inaalala ko. He can't just leave me..

"My queen, what if hindi na natin matuloy ang mga plano natin.. What if---" hindi ko na pinagpatuloy niya kasi hinalikan ko siya. He can't just tell me those things.

"Wag kang ganyan Ryan. Wag mo kong iwan. Wag kang magsalita ng ganyan please?" Tanging pagmamakaawa ko.

"I wan't you to be my side forever and always Ryan.. Wag mo kong basta iwan na lang.. Naging matatag naman tayo diba? Malalampasan natin to." Dagdag ko pa. Nakita ko ang mga kasama kong naiiyak na rin sa aming dalawa.. I saw others calling an ambulance.

"I love you so much Alyssa, forever and always.. Sana tandaan mong hindi ako mawawala sayo.." Mahina niyang sambit sakin.. Alam kong pinipilit niya na lang ang sarili niyang maging matatag. Patuloy na umaagos ang luha ko sa mga sinabi niya.

"Wag ka naman magsalita ng ganyan Ryan oh. Wag naman.. Please." Akala ko kakapit pa siya.

Pero bago pa man dumating ang ambulansya, bumigay na ang katawan niya. Alam kong masakit para sakin pero alam kong hindi niya na kaya. Hindi ko alam, dahil kahit hanggang sa pagkamatay ko si Ryan pa rin ang mamahalin ko habambuhay.

(c) teddycuddles11

====

Okay. Sabaw siya pero iedit ko lang muna pag okay na.

Thank you for reading po. :)

Nainspire lang ako. XD

Teddycuddles11 with <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever and Always (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon