Madalas ko siyang makikitang nagbabantay palagi sa waiting shed na 'yun. Parang nakakatawa lang isipin na parang nakasanayan ko ng tumingin doon kapag dadaan ako papuntang paaralan.
Minsan nga napansin na ako ng bestpren ko isang araw...
"Yow V, ano ba ang madalas mong tinitignan diyan? Humahaba talaga ang leeg mo kakatitig lang sa lumang waiting shed na yan."
Hindi ko lang siya pinansin at bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko na ang babaeng hinahanap ko araw-araw.
Gamit niya pa rin ang damit niya at ang kanyang maraming bagahe na minsan ko ng napanaginipan.
"V, nakikinig ka ba!? Malapit na tayo sa paaralan ohh!"
Nagulantang ako at napagtanto ko na lang na malapit na pala kami sa paaralan.
~♥~
Ng mag-uwian na ay dali-dali akong lumabas sa sakayan ng mga jeepney at sumakay sa suki ko.
"Napaaga ka yata hijo? May selebrasyon ba?" mabirong tanong ni Manong Driver.
"Wala naman po. May gusto lang kasi akong makita."
Tumango na lang si Manong at sinimulan na niyang magmaneho tutal puno na naman ang jeep.
Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang makatulog dahil alas syete na ng gabi. Pero ng makita ko ang pamilyar na daan at ang pamilyar na pagkasunod-sunod ng mga puno ay bigla akong napaayos ng upo at dali-daling sumilip sa bintana.
At hindi nga ako nagkakamali, nakita ko na naman ang babaeng 'yun na nakayuko habang nakatayo sa waiting shed. Napangiti na lang ako habang rinig na rinig ko pa ang malakas na tibok ng puso ko.
"Hijo, nandito na tayo." Hindi ko maalis ang ngiti sa bibig ko kahit nakapasok na ako sa bahay.
Hay... Bukas maaga pa ako gigising para maabutan ko na naman ang babaeng 'yun.
~♥~
Kinabukasan.."HALA!! BAKA HINDI KO NA MAABUTAN ANG MGA JEEP MAMAYA!!"
At tulad nga ng sinabi ko, hindi ko na naabutan ang jeep na madalas kong sinasakyan papunta sa eskwelahan.
Malungkot kong nilakad ang daan.
Bahala na kung saan ako mapapad nito.
Napahinga na lang ako ng malalim ng matanaw ko ang isang waiting shed sa 'di kalayuan.
Sa wakas may hihintayan na ako ng panibagong jeep.
Nakarating ako sa waiting shed at nilapag ko agad ang bag ko at umupo.
Pero naramdaman ko na lang ang malakas na kalabog ng puso ko ng makita ko kung sino ang babaeng nakatayo sa waiting shed sa kabila ng daan.
Tulad ng dati, nakayuko pa rin siya at mahigpit na hinahawakan ang malaking bag na dala-dala niya. Pero ang pinagkaiba lang ngayon ay napansin kong parang umiiyak siya.
Doon na ako sinimulang kabahan. Hindi ko nga napansing nanginginig na ako eh.
Nakatitig lang ako sa babaeng 'yun habang nakayuko pa rin siya at patuloy na umiiyak.
BINABASA MO ANG
Ang Babae sa waiting shed
Teen FictionKwentong tungkol sa misteryosong babae na palagi kong makikita sa isang lumang waiting shed.