Tinulungan kami ng gang ni Ryu para makatakas at maging ligtas. Nabalitaan ko lang sa kanila na critical si Brix sa ospital.
Nagtamo sya ng dalawang tama ng bala. Habang namatay naman ang taong binaril nya.Hindi ko alam kung hanggang kelan kami magiging ligtas pero gagawin ko ang lahat para lang protektahan ang mga kapatid ko.
"Farine. Kelangan nyo nang umalis sa lugar na to. Kayo ng mga kapatid mo. Hindi na kayo ligtas dito." Ronald said.
Hindi ko akalain na sa sobrang ikli ng panahon ay nagawan pa ng paraan ni Ryu ang maging ligtas kami. Ibinigay sakin ng isang attorney ang envelope na naglalaman ng mga dokumento naming magkakapatid. Pero gamit ang ibang pangalan. Kasama nun ang tatlong ticket papuntang U.S.
"Inihanda na ni Master ang lahat bago pa man may mangyaring ganito dahil alam nyang hindi kayo magiging ligtas. May isang foster family na kukupkop sa inyo pagdating nyo sa U.S. Naasikaso na ang lahat. Kaya wala na kayong poproblemahin pa. Ito lang ang tanging paraan para maging ligtas kayo Farine." Paliwanag ni Ronald.
Gusto ko mang humindi pero naisip kong ito lang ang tanging paraan para maprotektahan ang mga kapatid ko. Ang ilayo sila.
"I... I have to see Brix." Sabi ko kay Ronald.
"Delikado Farine. Bukod sa critical na ang kundisyon nya, bantay sarado rin ng lolo nya ang buong ospital. Malamang alam na nila ngayon ang mga nangyari. Bahagi rin ng malaking sindikato ang lolo ni Brix. Marami itong galamay. Siguradong pati kayo ay pinahahanap na nya." Paliwanag ni Ronald.
Hindi ako makapaniwala na sa mundong ginagalawan ko ay may mga taong handang kumitil ng buhay para lang sa kayamanan at kapangyarihan.
Kinausap ko ang mga kapatid ko tungkol sa mga nangyari. Baka hindi nila matanggap na aalis kami ng bansang ito.
"Ate, kahit saan basta magkakasama tayo" sagot ni Francine.
"Oo nga ate. Ayoko nang maulit ang nangyari samin ni Ate Francine." Yumakap sakin ang bunso kong kapatid.
"Patawarin nyo ko. Kasalanan ko ang lahat ng to. Kasalanan ko kung bakit kayo napahamak. I'm really sorry."
"Wala kang kasalanan ate. Lumayo na tayo dito. Kalimutan na natin lahat ng nangyari." Nagsusumamong tugon sakin ni Francine.
At nung sandaling yun ay nagdesisyon na agad akong gawin ang kagustuhan ni Ryu na lisanin namin ang bansang ito.
Bago ang nakatakdang araw ng pag-alis namin ay nakiusap ako kay Ronald para puntahan si Brix sa ospital. Kahit sya ay kinakabahan.
"Farine. Masyadong delikado ang gagawin nating ito. Paano kung mahuli nila tayo?" Sabi nito.
"I just need to see Brix and talk to him if possible."
"I don't know."
Hinintay naming maghating gabi. Masyadong mahigpit ang pagbabantay lalo na at nasa icu si Brix.
"Nandun sya." Turo ni Ronald sa isang pinto sa dulo ng lobby.
May mga nakabantay ring mga gwardiya sa labas ng pinto. Kahit sumilip lang sa bintana ay napakaimposible.
Hindi ko nakikita si Papa.
Saktong nakita ko si Ching, ang girlfriend ni Brix. Malalim ang mga mata nito at halatang wala pang tulog. Tahimik at nakatulala lang itong nakaupo sa may waiting room."Ronald. Kilala mo sya hindi ba? I need to talk to her." Bulong ko kay Ronald.
Ginawa naming pagkakataon nang umalis ito dun sa waiting room. Ang akala ko ay uuwi na ito pero nagpunta lang ito sa may cafeteria para siguro kumain. Nang pabalik na ito ay pwersahan itong hinila ni Ronald papasok sa isang bakanteng kwarto kung saan ako naghihintay. Pinipilit nitong kumawala kahit tinatakpan ni Ronald ang bibig nito. Agad ko syang nilapitan bago pa sya makatawag ng atensyon.
BINABASA MO ANG
My Hero is a Gangster *complete
Teen FictionLove will come when you least expect it. She's simple, kind-hearted and she shoulders all the responsibilities her parents left her. Even though she seem so strong, she's still weak and her heart is seeking for comfort. On the other hand, he is a...