Nangangako ako, na iintayin kita, MAHAL KITA eh.ALEXANDER'S P.O.V.
Ako mismo yung nangako sa kanya. Oo, mahal ko sya sobra. Naiinis ako sa mga lalaking umaaligid sa kanya. Pero nagsabi naman siya, na mahal din niya akong talaga. Kaso bakit ganon, parang nalilito yung damdamin ko, simula nung makilala ko si Bella.
Kasama ko din siya sa trabaho pati nadin si Bella. Matagal na din yung panahon na nangako ako sa kanya. Alam kong naalala niya pa iyon, lalo na't araw araw kaming nagkikita. Pero kasi ang hirap ng ganto na umaasa ako sa kanya. Kaya naibaling ko kay Bella ang atensyon ko. Dun na nagsimulang mag iba ang pakikitungo sakin ng taong pinangakuan ko. May mga araw na lagi siyang nagdadabog sa harapan ko, sinusungitan ako, na para bang ipinapaalala niya na nangako ako sa kanya, tapos ganto. Pero nung mga oras na yun akala ko wala na, na hindi ko na siya mahal, pero ng dumating ang araw na ito na magkakasabay kaming lumabas sa tarabaho nina Bella at niya.....
"Alexander..Ihahatid mo si Bella?" Nagulat ako sa tanong niya. Yun lang, sa oras na yun kinausap niya ako ng mahinahon. Tumango nalang ako bilang tugon.
"Ikaw may maghahatid sayo?" Biglang tanong ni Bella sa kanya.
"Oo. Hahaha kanina pa nga atang naghihintay yun, galit na yun." Napatingin ako sa kanya ang saya saya niya. Nagtatawanan sila ni Bella habang nagkukwentuhan. Yung akala ko aawayin niya si Bella, nagkamali ako. Naging magkaibigan pa sila. Pero, totoo pala yung naririnig ko sa mga kasamahan ko, na itong si Paulo, ay nanliligaw sa kanya. Akala ko ba hindi siya nagpapaligaw? Akala ko ba mahal niya ako?.
"Tagal mo naman eh. Uuwi na sana ako." Sabi ni Paulo ng makita niya kami.
"Eh di sana umuna kana, tsaka sana hindi ka na bumalik pa paralang sunduin ako." Sagot niya, Maaga nga palang lumabas si Paulo, ibig sabihin, bumalik lang si paulo para sunduin siya.
"Nangako na kasi ako sayo, Kelan ba ako hindi tumupad sa mga pangako ko sayo. Tara na nga. Baliw ka talaga. Hahahaha" Pangako? T*ngina, pinapamukha ba sakin ng lalaking ito na hindi ako maalam tumupad ng pangako. Pero hindi, kasi ako lang yung naapektuhan.
"Bella dito na kami, Alexander si Kella ha ingatan mo, babye! Ingat kayo" Napatingin ako ako sa kanya. Sa mga mata niya ng sabihin niya ang mga katagang iyon. Nakita ko yung hinanakit, pero bigla siyang hinawakan sa kamay ni Paulo, yung mata niya, sumigla, parang nawala ang sakit. Pero ako, ang sakit sa dibdib, nangako naman ako sa kanya na iintayin ko siya kasi alam kong hindi pa siya handa sa mga relasyon, kaso tumingin kasi ako sa iba. Sumuko ako? Alam niya siguro.
Wala akong kaimik imik ng maihatid ko si Bella sa kanila. Ngayon, nasasaktan ako. Oo inaamin ko, nasasaktan ako.
JANIELYN'S P.O.V.
Nangako siya sakin na iintayin niya ako, umasa naman ako, kaya nasasaktan ako, pero tinanggap ko na agad yun sa sarili ko, siguro mahirap nga talagang intayin ako, kasi wala namang kasiguraduhan. Nang malaman ko yung tungkol sa kanila ni Bella, nagreact agad ako, kesyo nagdadabog ako, pero naisip ko, ako lang naman ang magmumukhang tanga eh, kaya ititigil ko na ito. Naging magkaibigan kami ni Bella. At simula nung dumating sa trabaho namin si Paulo, na kaboardmate ko din pala, dun na ako nagsimulang maging close sa kanya, araw araw kaming nag aasaran, nagkukulitan,nagkakakwentuhan, at nung mas tumagala pa, palagi na siyang nagsasabi ng, pangako ganyan, pangako ganto. Nung una, hindi ako naniniwala sa mga pangako niya pero lagi niyang tinutupad, at ngayon, nagsabi lang siya na babalik siya para lang masundo ako. nakakatuwang isipin na habang naglalakad ako kasama siya at si Bella bago ko makita si Paulo, na sa wakas may taong kayang tumupad ng mga pangako niya.
Nang maihatid ako ni Paulo sa kwarto ko.
"Maramirami pa akong pangakong kailangang tuparin :)" Sabi niya, Oo, nung una ko kasi siyang makilala, nangako na agad siya na, "Pangako sayo na kahit anong mangyari, lumayo ka man, lumayo man ako, hinding hindi ko pababayaang mawala ang koneksyon ko sayo, dahil ngayon palang konektado na ako sayo, salamat at dumating ka sa buhay ko" at halos araw araw, walang palya na tinutupad niya ang pangako niya, nagpapasalamat din ako sa kanya, dahil dumating siya, para sakin, para sagipin ako sa isang pangakong binitawan.
---Sana po nagustuhan niyo ung Short Story na ito.
BINABASA MO ANG
Pangakong Binitawan.
Teen FictionMay mga taong akala mo, sila na talaga ang para sayo. Na kayo na ang magkasama hanggang huli. Pero may pagkakataon talaga na hindi lahat ng ginugusto mo mangyayari. -short story- -hope you like it- -mystery-