“Have you ever given up something so important to you? So important that you actually thought about going against the world for it, but you didn’t because it was the right thing to do?”
Cheru smirked at the question. Pakiramdam kasi niya ay napagkakatuwaan siya ng tadhana. The question wasn’t really for her but it made her start questioning herself. Napabuntong hininga na lamang siya. Wala na rin naman siyang magagawa kung hindi ang gawin ang tama. Kahit pa maghapon at magdamag siyang magisip kung tama ba ang naging desisyon niya ay wala na rin naman iyong silbi. She had already made a decision. It would probably alter her whole life and she might regret it in the future but it was the right thing to do. Or was it?
Biglang dumaan sa isip niya ang bagay na isinakripisyo niya para right thing to do na iyon. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Masakit pa rin pala kahit ilang linggo na ang nakalipas. Sino nga bang niloko niya? Kahit siguro dalawampung taon pa ang lumipas ay malamang na hindi niya makalimutan ang taong iyon.
“Kai.” Napahikbi siya.
Kai was Cheru’s childhood friend. Mga bata pa lamang sila ay palagi na silang magkadikit. Mula eskwelahan, hanggang sa bahay ay silang dalawa ang magkasama. Kung hindi nga siya nagkakamali ay may litrato pala sila noon na magkasabay na naliligo – they were probably around five then. And as the years passed, their friendship turned into something deeper, more precious. Mula nang tumuntong sila ng kolehiyo ay unti-unti na nilang napansin ang pagbabago sa kanilang relasyon. The term best friends suddenly became too shallow for the both of them. They wanted something more than that. Hanggang sa isang araw na lang ay nagising na lamang si Cheru at sa wakas ay inamin sa sarili na mahal nga niya ang kababata.
Muling siyang bumuntong hininga. Those were the good old days. Noong hindi pa niya kinakailangang isakripisyo ang kaisa-isang bagay na nagpapaligaya sa kanya. Noong hindi pa niya kinakailangang balikatin ang lahat ng problema ng kanyang pamilya. Noong hindi pa niya kinakailangang isangla ang kaligayahan at kalayaan niya sa isang lalaking ni pa niya nakikilala.
“You don’t need to do this if you don’t want to.” Halos mapatalon si Cheru sa gulat nang bigla na lamang may nagsalita mula sa kanyang likuran. “Ayokong ako ang maging dahilan ng pagluha mo.” Lumapit sa kanya ang bagong dating at marahang pinahiran ang mga luhang hindi na niya namalayang tumulo na pala mula sa kanyang mga mata.
“Wag kang magalala. Hindi naman ikaw ang iniiyakan ko.” Nakaismid na iwinika niya matapos hawiin ang kamay ng lalaki. Hindi pa rin kasi niya maialis sa kanyang sarili na mainis rito kahit na alam naman niya sa kanyang sarili na hindi naman kasalanan ng lalaki kung bakit sila naroon sa ganoong sitwasyon. “And you also don’t need to talk me out of this. My family needs this and I’ve already my choice. Ikaw, kung ayaw mo akong pakasalan eh sabihin mo sa tatay mo. Siya naman ang may gusto nito. Hindi ako ang pumipilit sa iyo at mas lalong hindi rin ikaw ang pumilit sa akin. So if you don’t want to marry me then go. Hindi mo ako kailangang pagaksayahan ng panahon.”
The man looked at her with curious, yet sad eyes. Marahil kasi ay batid nitong nagtatapang tapangan lamang siya. Alam naman kasi nilang pareho na siya ang nangangailangan kaya sila nasa ganoong sitwasyon. Kayang kaya ng lalaking layasan siya at panoorin na lamang ang kanyang pamilyang bumagsak ngunit hayun ito at pinupunasan pa ang kanyang mnga luha habang siya naman ay tinatarayan lamang ito. What was wrong with her?
“I’m sorry.”
“It’s okay. I understand.” Ngumiti ito ngunit bakas pa rin ang kalungkutan sa mga mga.
Cheru started feeling bad. Hindi naman kasi maipagkakaila ang kabaitan ng lalaki. Sa ilang linggong pagkakakilala niya rito ay kalian man ay hindi ito napikon sa pagatataray niya at pasaring na masasakit na salita. Palagi lamang ito nakangiti at hindi siya iniiwan. Pero ano nga bang dapat niyang gawin? Tanggapin ng buong puso ang lalaki kahit hindi niya ito mahal? Kahit na ito ang isa sa mga dahhilan kung nawala sa kanya ang kaisa isang taong minahal niya? Her sharp tongue had always been her pride, and pride was all she had, pati ba naman iyon ay isusuko niya sa lalaking iyon?
BINABASA MO ANG
Songs of the Heart (An EXO fanfiction)
Fiksi Penggemar“Have you ever given up something so important to you? So important that you actually thought about going against the world for it, but you didn’t because it was the right thing to do?” A question that changed their lives. A question that made their...