The Blind Confession

35 0 0
                                    

Buugsh!

“Aray! Bwiset!” bwiset na kama to, ihulog ba naman ako!

Tumayo na ako sa pagkakahiga sa sahig.

kriiiing! Kriiing!

“Nice! Ngayon mo palang ako ginising bwiset ka! Kaninang muntikan pa lang akong mahulog di ka nag-ingay!! Tsss!” naiinis kong sabi sa alarm clock ko! Sabihin niyo nang baliw ako, dahil totoo naman talaga! Haha! Joke! Syempre joke lang yun noh! Tawa naman kayo para di ako mapahiya! :D

So anyways, balik na naman sa usual routine ko, nakakapagod na rin to, pero bahala na, Monday na naman ngayon! Hihihi! Nagpadala na kasi ng pera si mwammey! Haha!

Oy! Hindi naman sa mukha akong pera ha! Wala lang tlaga akong pera, ginasta ko na sa projects namin no!

A|N: (apir sa mga nakakarelate sa ‘allowance’ thingy!)

Pagkatapos ko sa aking mga ritwal ay sumakay na ako ng barko, este ng jeep pala, pasensya na, para na kasing barko ang byahe ng jeep sa haba ng traffic!

Pumasok na ako sa L University, which my school obviously. Ano ba nanaman to? Ba’t nagkakagulo tong mga babaeng to? Kinulbit ko ang babaeng nasa harap ko

“ano ba yang pinagkakaguluhan dyan???”  I asked.

“oy FRET!!”

“oy FRET! Ikaw pala yan! Ba’t ka nagpa gupit?? Sayang yung buhok mo!!” sabi ko kay Andy

“Elle!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Huhuhu! Ilang years ko pinahaba yung buhok ko!” sabi ni andy.

“hahaha! E bakit nga!?” natatawa kong sabi

“dinikitan kasi ni John ng bubblegum ang buhok ko! Kainis na bata yun!” pagrereklamo niya.

“HAHAHHAHHAHA----“ natigil ako sa pagtawa dahil sa dumaan sa aming harapan! Si Tyler!

Si tyler na anak ng tatay niya. At siya rin ang pinakagwapo at mayamang lalake sa buong school na to, but they don’t own this school noh! I own this school! JOKE! Hehe. But seriously it’s not mine, because it’s my family’s. My parents own this school not me. L University stands for Leandro University! Cool last name ko debah!? Hehe.

My parents are not here, kayo na mag-imagine kung asan sila, kakatamad kasi. Lowl!

“ Look bro, every girl would never decline a kiss from me”

Narinig kong sabi ni Tyler sa may di kalayuan sa likod ko.

Pero di ko na pinansin at tiningnan ko na lang ang nag-eemote na babae sa aking harap. Sino pa ba, e di si Andy!

Yan! Yan! Gwapo na sa na pero ang ugali kasing rumi ng sahig sa isang public cr! Bakit pa ba kasi naging---Aish! Wag na!

“really? Kahit siya?” narinig kong sabi ng kaibigan niya.

Di ko nalang pinansin at nagsimula na kaming lumakad ni Andy.

“okay lang yan Fret! Hahaba rin yan ulit!” sabi ko kay Andy.

“alam ko naman yun noh!? Nakikinig kaya ako sa mga lessons natin noon!” natatawa niyang sabi

“haha! Pero in all fairness ha, bagay sayo” naramdaman kong may humawak sa balikat kaya lumingon ako at.

*tsup*

Nanlaki ang mata ko. Shet hinalikan ako ni Tyler! Dahil sa bigla ko ay--

*paaak!*

“oooooh!” narinig kong sabi ng kaibigan niya.

Ang gwapo talaga kahit namamaga ang pisngi niya.

Kainis! Nakuha ko pa siyang e praise kahit nagagalit na ako, ganito ba talaga ang epekto niya sa lahat ng babae!? Bwiset!!!!

“Walang hiya ka! Ako pa ang nakuha mong pagtripan!? E kung ipa-suspend kaya kita ha!” sigaw ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at tumitig lang sa akin.

Tiningnan ko siya ng masama , tumalikod at umalis na kami ni Andy.

I don’t know what to feel, kung magagalit ba ako or kikiligin. Ba’t naman ako kikiligin? Aish! Basta!!

“Wow. Intense nun! Pero swerte mo friend! Ikaw ang first kiss ni Tyler!! Well, maybe. Because I’ve heard that he never kissed anyone before” sabi ni Andy

“ asa kang walang hinalikan yun! At anong swerte pinagsasabi mo?” inis kong sabi. Kainis!

Pero kung totoo man yun, parehas pala kami.

Naiinis talaga ako, dahil wala na ang first kiss ko noh, kahit na may gust—Ano ba tong iniisip ko! E para kaya yun sa taong makakasama ko forever, alam ko old school ako pero who cares! Pero talaga? First kiss niya ako?

“uie! Ano yan Fret ha!?  Ba’t ngumiti ka ng mag-isa dyan? Kinikilig ka ba or naging masama na ang epekto nung nangyari sa utak mo.”

“anong ngiti ka dyan! Linisin mo nga yang mga mata mo. Kung anu-ano na yang mga nakikita mo” sabi ko

“oooooooyyyyy! Kras niya si Tyler! Ooooy!” sabi niya sabay tusok sa tagiliran ko.

“wag ka nga! Baka may makarinig sayo!”

“so, totoo nga? Ooooyy!”

“hindi noh! Baka may makarinig sayo at akalaing totoo yang sinasabi mo”

“oookay, sinabi mo eh” natatawa niyang sabi, bruha talaga to kahit kelan.

“fret! May kasalanan pala ako sayo” nakayuko sabi ni Andy. Kinabahan tuloy ako

“ano yun?” tanong ko

“promise wag magalit ah!”

“ano nga!”

“promise ka muna!” napabuntong hininga nalang ako.

“ok. Promise”

“di ba nag sign up ako sa speed-dating..” parang alam ko na to

“don’t tell me sinali mo ako!!” pasigaw kong sabi

“kalma lang, eh parang ganun na, kaya lang ikaw lang, e di ba isang pangalan lang dapat isulat?”

“what!!!” sigaw ko!

“wag OA fret!”

“alam mo namang ayaw ko sa mga dates na yan di ba?”

“sorry na fret! Inutusan lang naman ako ni Tita Eli!”

“what? Si mommy?”

“hehe. Oo. Pinasasabi rin pala ni tita na sobra ang pinadala niyang pera, para daw makabili ka ng dress para daw if ever magka boyfriend ka na. hahah! Ang cute talaga ng mommy mo Elle!”

Kaya pala sobra ang allowance ko, akala ko nagkamali lang siya, kaya namn pala.

“si mommy talaga oh! Kung anu-ano nalang ang naiisip.”

“sorry talaga friend”

“okay lang yun, e andyan na naman yan”

How hard could it be? I’ll just sit there and smile. That’s it. That’s what I’ll do. 

The Blind Confession (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon