22: Christmas eve

26.8K 385 23
                                    

Capítulo 22: Christmas eve



Dana's POV



Anong date na ba ngayon? Ahh, December 24. Magpapasko na pala.



"Ate! Ate! Bilishan mo dali!"



"Bakit Jessica? Sandali lang naman pinapatuyo ko pa buhok ko. Tska bakit ganyan yung 's' mo?" Kakaligo ko lang kasi kaya basa pa buhok ko.



"Ate! Okay na yan. Tuyo na naman buhok mo. Tka maganda ka na. Tara! Waahh! Kinikilg ako Ate. Natanggal yung milk teeth ko." Ngumisi sya at may natanggal ngang dalawang ngipin. Kaya pala hirap sa letter S. "Kinikilig ako po ate. Tchana ganun din si Gino ko."



"Sinong Gio?"



"Boyfriend ko."



"Boyfriend?" Iba rin talaga itong si Jessica. Ilang taon na nga uli sya? Anim diba? Tsk! Inunahan pa ako.



"Oo. Cute tya." Tapos ayun namimilipit na sya sa kilig.



Sa sala nakita ko si Papa/Mirko na nakatingin sa pipe hole ng pintuan. Si Mama/Niella naman nakikisilip din.



"Ma, Pa! Si Ate ang magbubukat."



Alam ko na.. Pakulo na naman ni Jhon ito. Pumunta na ako sa may pinto para pagbuksan ko sya. Si Mirko naman tinitignan ako ng seryoso. Bubuksan ko ba o hindi?

"Dana.."



"Opo Pa. Hindi ito makakaapekto sa akin. Ako pa rin ang prinsesa." Mahina pa rin ang pagkakasabi ko sa kanya.



Ngumiti lang sya ng alanganin sa akin bago ko tuluyang buksan ang pinto.



"Good Morning Dana! Good morning po Sir, Ma'am. Go--"



Hindi ko na sya pinatapos at tinulak papalabas. Sinara ko yung pinto, baka makapasok pa sya. Mahirap na. "Bakit ka nandito?"



"Merry Christmas. Eto yung gift ko. Na una na kahit bukas pa yung pasko. Kasi naman napilitan akong pumunta dun sa concert na hinanda para kay Raven."



"Hindi mo naman kailangang magpaliwanag." Kinuha ko yung regalo mya. Nakabalot yun sa kulay pulang wrapper. Natatakot akong buksan itong kahon, kahit malaki ito, baka makita ko na naman na condom na naman ang laman nito. "Sigurado kang matino ang laman nito?"



"Oo naman. No monkey business."



"Sige na umalis ka na."



"Wala man lang 'Merry Christmas', 'Thank you' at Kiss?" Ngumuso pa sya. Ang pangit.



Sasabihin ko sanang 'Asa ka!' kaso lang bumukas yung pintuan at niluwa si Roberto. Naaalala nyo ba yang lalaking yan? Nakikitira pala sya samin. Hindi ko pansin.





"Yow! Ohhh.. Jhon? Anong ginagawamo dito?" Feeling close na tanong nya. At ang kapal ng mukha para umakbay sa akin.



Nawala naman yung ngiti ni Jhon. "Anong ginagawa mo dito?"



"Ako? Dito ako naka.."



"Nagbabakasyon" Singit ko. "Bakasyon. Tama." wag ka na ngang dumaldal! Layas!



Tumahimik naman ang paligid. Parang masikip at madilim. Guniguni ko lang ba yun?



Tinignan ko si Jhon na nakatingin pala sa braso ni Roberto na nakaakbay sa akin. Waah!! Tanggal! Tanggal!



My Royal Secret✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon