A/N: Ngayon palang magso-sorry na ako readers dahil kung dati, slow na nga ako mag-update ngayon sigurado, SUPER slow na ang update ko. Since nasa peak na ako ng aking college career, magiging ultra busy na ako ngayon.
But anyways, sana kahit super slow ang update ko, suportahan niyo parin ang story na 'to 'til the end.
--------------------------------------------------------------------------------------------
Keeno’s POV
“Pasalubong ko huh. Bili ka ng strawberries tapos gawan mo ko ng cake,” sabi ko kay Frizz nung naghihintay kami ng flight nila papuntang Manila.
“Sus ang demanding nito. Peanut brittle nalang,” sabi niya habang tumatawa.
“Ano ba ‘yan. Love mo ba talaga ako? Parang di naman eh,” patampong biro ko sa kanya sabay talikod para di niya makitang natatawa ako.
“Atsus nagtampo naman agad. Opo na po master,” sabi niya habang tumatawa na inakap pa ako mula sa likod.
Bigla siyang natahimik after awhile at nag-sigh. “I’ll miss you,” sabi niya habang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Inalis ko ang kamay niya na nakapulupot sa may waste ko at humarap sa kanya. I stroked her hair lightly and kissed her in the forehead saying, “I’ll miss you more.
“Asus! Kung makapag-I miss you naman ang mga taong ‘to as if limang taon lang kayong di magkikita eh no? Isang lingo lang kayong magkakahiwalay, ‘wag OA,” sabat ni ate Joanne, ang ate ni Frizz habang nakapulupot ang kamay sa boyfriend niya. Natawa naman ang mama ni Frizz.
“Eh ikaw nga ate eh, ilang oras lang ‘di sa’yo si kuya Marko humahagulgol ka na sa kakaiyak kasi akala mo may ka-date siyang iba,” bara naman ni Frizz at napatawa naman ako.
“Uy, di naman. Sobra naman nun,” reklamo ni ate Joanne na namula pa sa sinabi ni Frizz.
“Ay sayang naman,” sabat ni kuya Marko na fiance ni ate Joanne.
“Ano ang sayang bebe,” tanong ni ate Joanne as she stared at kuya Marko confusingly.
“Natutuwa pa naman sana ako na iniiyakan mo talaga ako kung di ako mag-text sa’yo kaya lang dip ala totoo,” sabi ni kuya Marko na nag-pout pa. Heh! Pa-cute din ‘tong si kuya eh.
“Ay hindi joke lang ‘yun bebe, totoo yun,” dahilan ni ate Joanne at binigyan ng peck sa lips si kuya Marko. Nainggit tuloy ako.
Sinundot-sundot ko nga si Frizz sa tagiliran niya. “Zee,” pa-cute na sabi ko.
“Oh, bakit?” Confused na tanong niya sa akin.
“Ako din,” sabi ko at nag-pout ng lips ko.
“Anong ako din?” Tanong niya na mukhang di na gets ang sinabi ko. Ang slow naman ng future asawa ko haha.
“Kiss mo din ako,” bulong ko sa kanya. Nakakahiya kasing marinig ng mama at ate niya eh haha.
“Huh? Eh…” sabi niya at tumingin-tingin kay mama niya at sa ate niya if nakatingin sila pero buti nalang hindi hehe.
Nag-pout na ako ulit at aakto na sana si Frizz na halikan ako nung biglang tumunog ang announcement at sinasabing boarding na ang flight nila. Perfect naman ng timing nito. I can’t help but thought sarcastically.
BINABASA MO ANG
Allergic to Love (Completed)
Teen FictionSabi nila, Masaya daw ang love at masarap daw ang feeling na nai-inlove. Kung ganun, bakit palagi nalang heartbroken si ate at watak-watak ang family namin? Ako si Frizz…ang babaeng takot main-love. Magmadre na lang kaya ako?