Keeno’s POV
I need to bring you to Aussie with me. Paulit-ulit pa ring nagri-replay sa utak ko ang mga sinabing ‘yun ni Brie. Naiinis nalang ako tuwing maalala ko ‘yun pero ewan ko ba, ‘bat ba kasi ang determined niya na papuntahin ‘din ako dun? Wala namang sinabi si mama sa akin about ‘dun ah.
Psh! Bahala siya sa buhay niya. Mas lalo siyang di makakapunta sa Australia sa ginagawa niya. Isip ko as I started playing my guitar.
Maya-maya pa ay tumunog ang phone ko. I got an MMS at pag-open ko, picture lang naman ni Frizz na naka-peace sign habang nakasakay sa kabayo ang nakita ko. “I’m at Burnham Park!” Yun ang nakalakip na message sa picture na ‘yun. Aba nangangabayo na ulit ang mahal ko ah. I thought to myself.
“Ang cute,” di ko mapigilang mapa-smile sa nakita ko. Nawala na din ang fear ni Frizz na sumakay ng kabayo. Dahil kaya sa akin ‘yun? Sinave ko agad ang picture na pinadala niya at kumuha din ako ng picture ko kasama ng gitara ko at pinadala ko din ‘to sa kanya na may message na, “Playing our song. Missing you!”
Hehe ganito kami almost everyday since nawala ka. Palaging nagpapadala ng mga MMS, E-mail at text message telling each other where we are and where we’re going. Tapos tuwing midnight tumatawag ako sa kanya and we end up talking until makita na namin pareho ang sunrise. This way, di na namin masyadong mami-miss ang isa’t isa.
Two days nalang makikita mo na ulit siya. I thought to myself and with that thought napangiti na naman ako.
Frizz’ POV
Napatawa nalang ako sa na-receive ko sa kanyang MMS ngayong araw na ‘to. Paano ba naman kasi, nag-gigitarra na naman siya. Pero hindi ‘yun ang tinatawa ko. Naka-headband din kasi siya ng hello kitty na panyo habang naka-pout, nakakindat at naka-peace sign. Para siyang baliw hahaha.
But still…he is absolutely aDORKable. Sinave ko ang picture niya at patuloy kaming nangabayo ni papa sa may Burnham habang sina mama, ate at ang fiancé niya eh naghahanda ng picnic namin.
Na-miss ko ‘to. Hindi ko nagawang mangabayo simula nung aksidenteng nangyari sa akin nung bata pa ako pero dahil kay Keeno nung nasa Boracay pa kami, nawala ang fear ko at nagawa ko na ulit ang gusto ko. Isa pa, na-miss ko din ‘tong bonding together with mom and dad. I feel like we’re a real family again. Kahit may sari-sarili nang buhay si mama at papa, it’s nice to be able to do this once in awhile together with the both of them. It only shows na, mahal talaga nila kami ni ate.
“It would be nice kung nandito din ang boyfriend mo. At least mapapasalamatan ko siya na tinulungan ka niyang mawala ang fear mo with riding horses. Na-miss kong gawin ‘to kasama ka,” sabi ni papa na napa-smile pa habang nakatingin sa akin.
Oo, alam ni papa ang tungkol kay Keeno at masayang-masaya siya para sa akin. Sa wakas daw kasi, may nakapagpabago na din ng tibok ng puso ko.
Simula nang dumating kami dito sa Baguio, siya lang palagi ang naging topic namin ni papa. As in naikwento ko na siguro sa kanya ang lahat.
“Hmm gusto mo pa dalhin ko siya dito next time? Pero siyempre, ikaw ang magbabayad ng ticket namin,” pabirong sabi ko kay papa at tumawa naman siya. “Okay deal! Sa graduation niyo, mag-bakasyon kayo dito sagot ko ticket niyo basta magdala lang kayo ng madaming-madaming rambutan galing sa farm natin ah,” sagot ni papa at napatawa din ako. Paborito kasi ni papa ang rambutan lalo na ang galing sa farm namin.
“Deal!” Sabi ko sabay smile kay papa. Isang taon na lang pala ga-graduate na din kami. Ngayon palang excited na ako. Two of my favorite boys all mine for a whole summer. Yey!
Umikot lang kami ng umikot sa park at nung maga-alas dose na, bumalik na kami sa may picnic area kung saan naka-pwesto sina mama kanina. Saktong-sakto ang dating namin, nakahanda na ang mga pagkain.
Pero bago ako kumain, kinuha ko muna ang phone ko at kumuha ng picture kasama ng pagkain na nakalahad sa picnic area at pinadala ito kay Keeno through MMS. Ang nakalagay na message ay ito, “Lunch time, you should eat too. BTW, we got free tickets to here in Baguio courtesy of papa on our graduation day.” Linagyan ko ng madaming smiley face ang message na ‘yun bago ipadala sa kanya.
“Pray muna tayo bago kumain,” sabi ni mama at agad ko ng tunago ang phone ko at nakisabay sa kanila.
Keeno’s POV
Nanginginig pa ang kamay ko nung kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko. ‘Di ko alam kung bakit gusto kong buksan pa ito gayong alam ko na wala ng kwenta ang lahat sa mga oras na ‘to.
Nakakuha na naman ako ng MMS kay Frizz. Isang picture niya while she’s having a picnic. May nakalakip pa ngang message sa MMS na pinadala niya pero sa ngayon, parang wala na akong kahit anong energy pa para basahin ang mga ‘yun.
Binitawan ko ang phone ko and it came crushing down the ground. And when it crashed, parang nabingi nalang ako or maybe it’s because ayoko lang talaga marinig ang mga sinasabi nitong taong nasa harap ko ngayon.
“Kuya Keeno, di ko sinasadya. Hindi ito kasama sa mission ko. Hindi kasama sa mission ko na ipaalam ‘yun sa’yo pero kasi kung hindi ko sasabihin, alam kong di ka sasama at ikaw din ang magsa-suffer sa bandang huli. Kaya please, pagisipan mo nalang ng mabuti ang sinabi ko sa’yo. Aalis na muna ako,” sabi ni Brie at agad naman siyang umalis na may lungkot sa Kunyang mukha.
Alam kong wala siyang kasalanan, alam kong gusto niya lang akong tulungan, pero naiinis pa rin ako, naiinis parin ako sa ginawa niya. Bakit kailangan pa niyang sabihin ‘yun sa akin ngayon? Ngayon pa when I am at my happiest. Damn her. Damn this world. Damn this life. “That girl…she’s a real mood killer isn’t she?” I can’t help but say aloud habang patuloy akong umiiyak. I fell to my knees crying, thinking what this world has in stored for me the next day.
BINABASA MO ANG
Allergic to Love (Completed)
Teen FictionSabi nila, Masaya daw ang love at masarap daw ang feeling na nai-inlove. Kung ganun, bakit palagi nalang heartbroken si ate at watak-watak ang family namin? Ako si Frizz…ang babaeng takot main-love. Magmadre na lang kaya ako?