AKO AT ANG MGA KASAMA KO!
KIEFER JACE VALDERAMA
- Ako yan! At ko ang magkukuwento ng mga bagay-bagay sa buhay ko at ng mga kasama ko.
DEMI GRACE YBAÑEZ
- Ang babaing madaming arte sa katawan, pero kahit ganun e aliw ako sa kanya. Ang cute nya kase saka.. Oo na, maganda sya!
AARON VALDERAMA
- Ang pinsan kong mas guwapo at mas mabait DAW kesa sa ken eh kasa-kasama ko sa paggawa ng kalokohan ang ugok na yan!
---
ANG SIMULA NG MAGULONG BUHAY KO =____=
"Amy, baka pwede nating pag-usapan to ha? Wag mo namang sayangin lahat ng mga pinagdaanan natin oh. Please naman, pakinggan mo ang panig ko!" sigaw ko kay Amy, nasa labas ako ng bahay nila noon at sya naman ay nasa kuwarto nya.
"Kiefer! Kiefer, tara na! Umuwi na tayo! Bukas na kayo mag-usap ni Amy! Malakas na masyado ang ulan! Tara na!" hinihila ako ni Aaron papunta sa kotse, pilit kong tinataboy ang pinsan ko pero wala ako magawa.
"Amy! Babalik ako! Mag-usap tayo! Pakinggan mo naman ako ha?! Amy! Babalik ako!" sigaw ko pa bago ako sumakay sa kotse ni Aaron.
---
"Damn!" ibinato ko ang bagpack ko sa pader, basang-basa ako pero dumiretso ako sa kama ko.
"Huy! Gusto mong maligo pati kama mo? Tayo na dyan oy!" hinihila ako ni Aaron para bumangon sa kama.
Anak ng tokwa naman eh! Bakit ba nangingialam ang isang to?!
"Ano ba? Bitawan mo ako, Aaron! Iwan mo ako! Gusto kong mapag-isa!" sigaw ko saka ko itinulak palayo si Aaron.
"Insan naman! Di kita iiwan kahit ano pa ang gawin mo! Di ako aalis dito! Baka kung ano ang kalokohang gawin mo eh!" bulyaw nya sa ken.
Lintek! Ewan ko ba, pero ayoko ring umalis sya. Etong pinsan kong ito lang ang naasahan ko sa lahat ng pagkakataon.
"T@ng!na naman kase, Aaron! Sino ba'ng nagkalat ng video na yon?! Wala naman yon, eh! Si Amy ang mahal ko, wala nang iba pa! Buwisit!" hinampas-hampas ko ang unan sa tabi ko. Lintek!
"Pare, magpakalma ka. Kumalma ka ha? Bukas, bukas kayo mag-usap ha?" kalmadong sabi ni Aaron sa ken.
Tsk! Kung hindi ko lang talaga kasama ang isang ito, baka tumalon na ako sa bangin. Nakakabuwisit naman kasi.
---
Kinabukasan, pumunta ako ulit kila Amy pero ang mama nya lang ang naabutan ko doon. Grabe, nakakasindak pa naman yung ale na yun. Yeah, she's an old lady and she's really scary.
"Niloko mo ang anak ko! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kanya!" sabi bigla ni Mrs. Lo, dinuro-duro pa nya ako.
"Tita, wala akong ginagawang masama. I'm faithful to her, we just need to talk. Kailangan nyang marinig muna ang panig ko." pakiusap ko sa ale, tsk natatakot ako sa mga mata nito na nanlilisik!
"Isusumpa kita, Jace! Hintayin mo ang araw na magbabago ang buhay mo! Hintayin mo ang oras na di ka na makakapagsalita! Hindi ka na magugutom! Hindi ka na makakaiyak! At lalong hindi ka makikilala ng mga tao sa paligid mo! Sa susunod na bilog ang buwan sa kalangitan, magaganap ang pagbabago sayo!" ha? Ano raw? Di ako makakasalita? Di makakaiyak? Di makikilala?
"Tita, please naman wala naman pong ganyanan. Seryoso po ako, wala akong kasalanan sa anak mo." tsk, kinakabahan ako ng sobra.
"Magbabalik ka lang sa tunay mong anyo kapag alas-dose na ng gabi, pero muli kang magtitigil kapag pumatak ang alas-sais ng umaga. Hindi mawawala ang sumpa, hanggat hindi ka natututong magmahal ng tunay at walang katapusan!" nagulat ako sa mga sinabi nya, pero mas nakakagulat nang hawakan nya ako sa noo. Parang nanigas ang buo kong katawan.