12

48 2 2
                                    

It's not about who hurt you and broke you down. It's about who was there and made you smile again. :)

•-x-•

Ang Pagtatapos
Jonuxx

Sobrang baba na ang nararamdaman,
Ako'y halos nang maapakan.
Pakiramdam ay sumubsob na sa putikan,
Sarili ko dahil sayo'y tuluyan nang naapakan at nasaktan.

Nilapitan kita ngunit parang hindi ikaw ang kausap ko,
Para akong nakikipag-usap sa dating ikaw na sarado.
Hinanap ko ang totoong ikaw sa 'yo,
Ngunit sabi mo na ikaw yan, walang nagbago.

Kahapon ay nalaman ko sa iba,
Ikaw nga daw ay nahulog na nga.
Bakit hindi mo sinabi sa akin na may gusto ka na?
Hindi sa akin kung hindi sa iba.

Siguro nga ay nahalata mo nang may gusto ako sayo,
Kaya hayan ka, unti-unting lumalayo.
Unti-unti nang nagbabago ang pakikitungo,
Sa akin ikaw na'y sarado.

Hindi ko naman pinapansin itong nadarama ko sayo,
Hindi naman ako aasa na ako rin ay magustuhan mo.
Ayos lang kung ikaw ay mahulog na nga sa ibang tao,
Pero sana nama'y panatilihin pa rin natin ang dating tayo.

Ayos lang kahit kaibigan lang tayo,
Hindi ako hihiling ng higit pa sa inaakala mo.
Siguro nga'y desperada na ako,
Pero ako ay nagmamakaawa sayo.

Mahalaga sa akin ang relasyon natin,
Sana maramdaman mo ang pagpapahalaga ko sa kung anong meron sa atin.
Sana maramdaman mo na mga alaala natin ay hirap kong limutin,
Ang itapon ang pagiging kaibigan natin ay hindi ko kayang gawin.
Dahil mas mahalaga sa akin ang pagkakaibigan natin,
Kaysa sa nararamdaman ko o nararamdaman mo sa akin.

Apoy nating nauupos na aking pilit binubuhay,
Kung ayaw mo na talaga ay ako na mismo ang papatay.
Hihipan na ng malakas ang apoy na nauupos,
Hihipan na kahit ako na'y mapaos.

Ang sinulid na madali nang maputol,
Kung ayaw mo na talaga'y sisirain na ang taling magkabuhol.
Hindi na pipiliting ikonekta pa muli,
Ang atin ay papakawalan na sa pagkakatali.

Ang kamay nating unti-unti nang bumibitaw,
Para tuluyan nang makawala'y ako na rin ay bibitaw.
Hahayaan nang may mahawakan kang iba,
Hahayaan nang mahawakan mo iyong tunay na ligaya.

Pagsilay ng mga bitwin na parehas nating pangarap,
Kakalimutan na ngayong iglap.
Hahayaan na lang na iyong masilayan ang mga bitwin isang gabi,
Masilayan mo ng hindi ako katabi.
Dahil alam ko na sa iyong pangarap ay wala ako sa iyong tabi,
Ang nais mo lang ay katahimikan at tumanaw ng kalangitan sa malalim na gabi.
Dahil ako lang naman ang may pangarap ng tumanaw ng mga bitwin,
Habang katabi ka't ika'y nakasulyap at nakahawak sa akin.

Ngayon ay napatunayan ko na talaga aking napagtanto,
Wala nga talagang permanente sa mundo.
Lahat ng sa mundo ay natatapos,
Katulad ng aking lakas na tuluyan nang naubos.

Lahat ng tao ay nagbabago,
Hindi lahat ay mananatili sa inaakala mo.
May mga tao talagang maglalaho,
Sila ay mga taong naging parte lang ng paglalakbay mo.

Pero ngayon ay may natutunan ulit ako,
May taong nakalaan para tumabi sayo,
Tumabi para maging buhay mo,
Hindi man sila perpekto ngunit sila ang taong hinding-hindi mangiiwan sayo.

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon