part 5

1.4K 64 1
                                    

Still Althea's POV

Mula nung gabing yun lagi na kaming mag kausap ni Jade at madalas magkita. Six months na ang nakakaraan.

We go shopping together, watch movies,  at kung ano ano pa.

Naging close nadin niya ang mga kaibigan ko. Except Kathleen.. ewan ko pero di ko maintindihan.. parang nasisence ko na minsan nag seselos siya kay Kathleen.

She introduce Sally  to us also her brother Paul.

At sa bawat araw na lumipas lalo pa siyang napamahal sakin.

Natatakot akong umamin kahit alam kong minsan obvious na mga kinikilos ko sa kanya.

Nandito kami ni Batchi sa bahay namin. Dumalaw siya kasi di ako pumunta sa RK. Di kasi ako makapag isip ng mabuti.

Gusto ko ng magtapat kay Jade soon..

"Ano tsong hanggang kelan mo itatago yang nararamdaman mo kay Jade? Bat di ka pa umamin? Halata naman na gusto karin niya eh" sabi ni Batchi sakin.

"Batch alam mo naman Ang dahilan ko diba.. baka natural lang sa kanya ang pagkasweet sa mga kaibigan niya.. ayokong umasa kasi mahirap, sabi mo nga sakin noon straight siya"  matamlay kong sagot sa kanya

"Natural ba yun sa akala mo?' Wag mo nga akong lokohin Althea, hindi naman siya ganun samin at kay Sally  na bestfriend pa niya" desidido talaga si Batchi na I cheer up ako.

"Ayoko lang kasi na lumayo siya sakin pag nalaman niya na iba na itong nararamdaman ko sa kanya.. hindi ko kakayanin pag nireject niya ako tsong"

"Pero hanggang kelan nga tsong, pag dumating na yung time na ligawan siya ng iba?' Wag kang torpe Althea.. nasaan na yung bestfriend ko na walang inuurungan?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Parang mas di ko yun kakayanin pag may ibang nanligaw kay Jade ko.

"Nagkakahiyaan lang kayong dalawa eh.. naghihintayan kung sino ang unang mag coconfess ng feeling..." Patuloy lang si Batchi sa pagsasalita.

"Allow me to help you to this tsong.. pag di pa to mag click ewan ko na lang... kasi ganito yun..."  bigla aking napatingin sa kanya

Ano naman kaya ang balak nito?' Kinakabahan ako baka sabihin niya kay Jade na mahal ko siya.

"Wag kang mag alala di ko sasabihin kay Jade na matagal mo na siyang pinag nanasahan hahaha"

Ang lakas talaga ng radar ng tomboy na to. Pati iniisip ko alam niya.

Kinuha ko yung unan at binato ko sa mukha niya

"Pagnanasa talaga ha... ikaw ang laswa mo kahit kelan" irap ko sa kanya

"Wow nagsalita ang isa jan... hahaha tell me Althea.. hindi nga ba?' Kilalala na kita tsong kaya wag ako ang lokohin mo" 

"Oo na oo na! Di ka talaga titigil hanggat di ako umaayon sa sinasabi mo eh... ano ba yang plano mo?''  Umupo ako ng maayos sa harapan niya

"Ganito kasi yun tsong.. alam naman natin na mabigat ang loob niya kay Kathleen diba?'". Tumango ako at seryosong nakikinig sa kanya.

"Naisip ko kasi na pagselosin natin siya.. game naman jan si Kathleen eh.. ,dont worry nakausap ko na siya about this..." taas baba yung kilay niyang sabi sakin

"Di naman halatang pinaghandaan mo ng mabuti yang plano mo ha... mandadamay kapa.. ayoko jan sa plano mo tsaka nakakahiya kay Kathleen". Sabi ko sa kanya

Inlove with My Girl(friend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon