Chapter 37:

9.6K 143 2
                                    

Shantelle Kristina


Napahinto ako sa pagsipat ng sarili ko sa salamin ng kumatok si Mama sa kwarto.


"Ma."


"Are you done hija?" Tanong nito. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok ito.


"Ang ganda mo talaga." Puri nito sa ayos ko. Ngayon na ang 1st birthday ni baby Zeyrone kaya naman naghahanda na kami sa paggayak sa hotel na pagdadausan ng party.


"Thank you po, mana lang po sa inyo." Pagbibiro ko. Sumulyap ako sa suot kong damit. "Bagay po ba sa akin itong suot ko?"


"Kahit ano namang damit ang ipasuot sayo, lahat ay babagay." Sagot nito. Napangiti na lamang ako dito.


"Isa po ito sa pasalubong ni Ram nung dumating sya. Nagandahan din po ako kaya ito ang sinuot ko." Isang sleeveless lang na black and white na dress ang suot ko. Sobrang simple lang nya pero mukhang elegante. Tinernuhan ko lang ito ng black na pointed shoes. Masasabi kong magaling talagang pumili ng damit si Ram.


Sa ayos ko naman, nag apply lang ako ng light na make up at hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok.


Maya maya lang ay pumasok na si Ram sa kwarto habang kumakanta kanta ng happy birthday kay baby Zeyrone na karga karga nito. Nakabihis na rin silang dalawa.


"Oh sya sige, mukhang ayos na ang lahat. Gumayak na tayo" sabi ni Mama.


Lumapit ako kay Ram para kunin dito si baby Zeyrone pero hindi nya binigay.


"Susunod na kami sa baba Ma." Sagot ni Ram at kay Mama nito binigay si baby Zeyrone.


"Oh sige, bilisan nyo." Sagot nman ni Mama saka lumabas ng kwarto dala dala si baby Zeyrone.


"Halika na Ram, baba na rin tayo." Kinuha ko na yung pouch ko at yung bag kung saan nakalagay ang mga ibang gamit ni baby Zeyrone. "Teka-" napatingin ako kay Ram dahil medyo hindi nakaayos ang kwelyong suot nito.


"Hindi mo naman tinitignan ng ayos yung suot mo eh." sabi ko habang inaayos ang kwelyo nito.


Apat na butones din ang nakabukas pa sa polo nito kaya isinara ko ang isa.


"Sinadya ko yan para naman asikusihin mo rin ako." Sagot nito.


"Ayan ka naman Ram eh." Natatawang sabi ko. Umaandar naman yung pagseselos nya sa anak nya.


"I'm your husband, you nees to take care of me as well." Bahagya pa itong yumuko na parang nagtatampo.


Kapag ganito ang nagiging reaksyon ng mukha ni Ram, hindi ko maiwasang manggigil sa kanya.


Ang cute nya lang!


Inangat ko ang mukha niya at hinalikan sya sa labi.


"Kapag wala si baby Zeyrone at tayong dalawa lang, syempre ikaw ang baby ko." Sabi ko na lang saka umalambitin sa leeg nito.


Ngumiti naman ito at sya naman ang humalik sa labi ko. Mas matagal at mas malalim na halik.


***


Nang makarating na kami sa hotel ng pagdadausan ng party ay sobra na ang dami ng tao. Nauna na dito si Papa at si Rax kaya kami nina Mama at Ram ang huling dumating, syempre kasama namin ang anghel namin na ngayon ay isang taon na.


Stolen Innocence (Completed) Warning: SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon