Ewan ko ba, feeling ko ang layo ng loob niya saakin. Yung tipong araw-araw mong nasasalubong pero snob ka lang, aakalin mong may dalaw siya araw-araw, parang hanging dumaan, bulang naglaho sa paningin niya. Oo, masakit sakin ultimong magkapit bahay na nga lang kami eh ganun pa siya saakin.
Hay, sana maging close din tayo. Kelan kaya ang araw na yon? Kelan mo kaya ako mapapansin? Isang lingon lang, okay na. Isang tango lang okay na din. Pag makikita ko siya, blangko ang muka niya. Nasusuya ba siya sa muka ko? Pangit ba ako? Anong kailangan kong gawin para mapansin mo? Adik na nga ba ako sayo?